Mga laro sa Sabado:
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. – AdU vs UST (Men)
4 p.m. – NU vs Ateneo (Men)
NAIPOSTE ng Adamson University ang ikalawang sunod na panalo nang igupo ang University of the East, 90-76, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Kumana si Sean Manganti ng career-high 27 points at nanatiling walang talo ang Falcons sa kaagahan ng season.
Determinadong patunayan na hindi tsamba ang kanilang season-opening 74-70 win laban sa defending champion Ateneo, nalusutan ng Adamson University ang malamig na simula at kinailangan ang malaking second quarter run upang mapangalagaan ang double-digit lead.
Tangan ng Red Warriors ang 28-25 kalamangan nang pangunahan ng triple ni Jerrick Ahanmisi ang 17-0 blast ng Falcons para sa 42-28 bentahe, may 1:17 ang nalalabi sa first half.
Isang tres ni Jonathan Espeleta sa corner ang nagbigay sa Adamson University ng pinakamalaking kalamangan sa laro, 67-47, bago tatlong beses na nakalapit ang UE, sa likod ni Alvin Pasaol, sa 11 points, ang huli ay sa 62-73, may 6:02 sa orasan.
Lumayo pa ang Falcons sa 84-66 sa pangunguna nina Manganti at Ahanmisi para mapigilan ang paghahabol ng Warriors.
“Well I guess, they’re accepting their respective roles as leaders. I mentioned to them that the young guys will follow them if they play well,” wika ni Adamson University mentor Franz Pumaren, referring to Ahanmisi and Manganti.
“The young guys will go with them so they have to lead. Not only, you know, by scoring, by defending. They should lead by example. We are still working for the time that these two guys will really play like an orchestra at the same time. I think they will be a fun thing to watch with both guys playing well,” dagdag pa niya.
Nag-ambag si Ahanmisi ng 17 points, habang tumipa si Papi Sarr ng double-double 15 points at 21 boards para sa Falcons.
Nagbuhos si Pasaol, naipasok ang kalahati sa 28 field goals ng Warriors, ng season-high 36 points, 11 boards at 2 assists.
Bumagsak ang UE, sinimulan ang season sa pamamagitan ng 29-point blowout loss sa University of the Philippines, sa 0-2 kartada.
Iskor:
AdU (90) – Manganti 27, Ahanmisi 17, Sarr 15, Camacho 8, Espeleta 8, Lastimosa 5, Colonia 4, Bernardo 2, Catapusan 2, Mojica 2, V. Magbuhos 0, Zaldivar 0.
UE (76) – Pasaol 36, Strait 10, Bartolome 7, Beltran 7, Varilla 7, Cullar 6, Manalang 3, Acuno 0, Antiporda 0, Conner 0, Gagate 0, Sobrevega 0.
QS: 23-18, 42-32, 67-52, 90-76
Comments are closed.