FALCONS DINAGIT ANG WARRIORS

Mga laro sa Linggo:
(UST Quadricentennial Pavilion Arena)
8 a.m. – NUNS vs UE (JHS)
10 a.m. – FEU vs UE (Women)
12 noon – FEU vs UE (Men)
3:30 p.m. – UP vs NU (Men)
6:30 p.m. – UP vs NU (Women)

TINAPOS ng Adamson ang five-game losing streak nang gapiin ang University of the East, 45-37, sa isang epic offensive struggle sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Sumandal ang Falcons sa kanilang depensa upang ipalasap sa Red Warriors ang kanilang ikalawang pagkatalo sa huling tatlong laro.

Ang panalo, ang ika-4 sa 11 laro, ay naglagay sa Adamson sa likod ng fourth-running University of Santo Tomas (5-6) sa karera para sa huling Final Four berth.

“This is something that we really need. If, I’d say our players were doing their part even with those losses that we had, that five straight losses that we had, pero sa’min namin just continue on doing the right things and eventually you’ll get that win,” wika ni Falcons coach Nash Racela.

May 82 points, ito ang pinakamababang pinagsamang iskor magmula nang talunin ng National University ang Adamson, 62-25, (87 points) noong July 25, 2014, kung saan naitala ng Falcons ang pinakamababang scoring output sa kasaysayan ng liga.

Ang UE ay naging unang koponan na umiskor ng mababa sa 40 points magmula nang itala ng Far Eastern University ang 39 sa 22-point loss sa NU noong Sept. 25, 2019.

Nahulog ang third-running Red Warriors, nagtatangka sa kanilang unang Final Four stint magmula noong 2009, sa 6-4.

Tumipa sina Matt Erolon at AJ Fransman ng tig-14 points habang nagtala si Cedrick Manzano ng double-double na 12 points at 11 rebounds para sa Adamson.

Ito ang unang panalo ng
Falcons magmula noong Sept. 25, 2024, kung saan naungusan nila ang Bulldogs, 60-58, sa last-gasp lay-up ni Joshua Yerro

“Of course, we’re thankful that we won. Akala ko ang ghost month October eh, muntik na kami ma-zero for the month of October so it’s good that we’re able to get the win towards the end of the month,” sabi ni Racela.

Iskor:
AdU (45) – Erolon 14, Fransman 14, Manzano 12, Montebon 3, Anabo 2, Calisay 0, Ramos 0, Yerro 0, Barasi 0, Mantua 0, Ojarikre 0.

UE (37) – Momowei 12, Fikes 9, Abate 8, Lingolingo 5, Maga 2, Spandonis 1, J. Cruz-Dumont 0, Galang 0, H. Cruz-Dumont 0, Mulingtapang 0, Finney 0, Wilson 0, Malaga 0, Go 0, Robles 0.

Quarterscores: 13-12, 22-19, 33-32, 45-37