Mga laro sa Sabado:
(Filoil Flying V Centre)
1 p.m. – AdU vs NU (Men)
4 p.m. – UST vs Ateneo (Men)
NAPANATILI ng Adamson at defending champion Ateneo ang top two spots makaraan gapiin ang kani-kanilang katunggali sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Naisalpak ni Sean Manganti ang game-winning lay-up sa huling 0.7 segundo at napalawig ng Falcons ang kanilang perfect run sa apat na laro sa pamamagitan ng 69-68 pag-ungos sa University of the Philippines.
Nilampaso naman ng Blue Eagles ang wala pang panalong University of the East, 9-62, sa unang laro.
Umiskor si Bright Akhuetie ng shotclock-beating lay-up na nagbigay sa Fighting Maroons ng 68-67 bentahe, may 5.7 segundo ang nalalabi.
Naselyuhan sana ni Akhuetie ang kanyang pinakamagandang laro para sa season kung hindi binigo ng Nigerian big man ang last play ng Adamson.
Ipapasa sana ni Manganti ang bola kay Papi Sarr, subalit nailihis ito ni Akhuetie. Naisalba ni Manganti ang bola at naisalpak ang pinakamalaking tira sa laro.
“We survived, that’s the bottomline. We were lucky to survive this game,” wika ni Adamson mentor Franz Pumaren. “Well, actually, hindi para kay Papi ‘yun. We were there to attack. I think Sean, being too generous, he dropped the pass to Papi. It was tapped and you know, he got it.”
Masaklap ang pagkatalo para sa UP, na nagpasabog ng 29 points at umabante ng hanggang 12 points sa third period.
“I think it only showed our poise. It only showed that we didn’t panic in spite of those runs that UP made,” ani Pumaren.
Iskor:
Unang laro:
Ateneo (89) – Verano 12, Navarro 11, Asistio 9, Mendoza 9, Kouame 8, Ravena 8, Go 7, Nieto Ma. 6, Nieto Mi. 6, Mamuyac 5, Tio 4, Wong 2, Daves 2, Belangel 0, Black 0, Andrade 0.
UE (62) – Pasaol 17, Bartolome 12, Conner 8, Manalang 7, Cullar 6, Maloles 6, Varilla 4, Gagate 2, Acuno 0, Gallardo 0, Antiporda 0, Lacap 0, Sobrevega 0.
QS: 24-10, 43-31, 68-44, 89-62
Ikalawang laro:
AdU (69) – Manganti 18, Ahanmisi 15, Sarr 11, Espeleta 10, Pingoy 9, Camacho 2, Lastimosa 2, V. Magbuhos 2, Bernardo 0, Catapusan 0, Colo-nia 0, Mojica 0.
UP (68) – Ju. Gomez de Liaño 21, Akhuetie 20, Ja. Gomez de Liaño 7, Desiderio 6, Manzo 6, Murrell 4, Jaboneta 2, Prado 2, Dario 0, Gozum 0, Lim 0, Tungcab 0, Vito 0.
QS: 24-16, 30-28, 47-57, 69-68
Comments are closed.