Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
2 p.m. – UST vs NU (Men)
4 p.m. – UP vs UE (Men)
NAKAGANTI ang Adamson sa La Salle, habang naitala ng Ateneo ang lopsided victory laban sa Far Eastern University upang magsalo sa liderato sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Sa wakas ay nanaig si coach Franz Pumaren sa eskuwelahan na kanyang dinala sa limang kampeoanto kung saan sumandal ang Falcons sa kanilang depensa upang pataubin ang Green Archers, 57-50.
Nagbuhos si Ivorian Angelo Kouame ng 33 points at 27 rebounds nang makompleto ng back-to-back title-seeking Blue Eagles ang paghihiganti sa Tamaraws sa pamamagitan ng 82-62 tagumpay.
Umiskor lamang ang La Salle ng dalawang puntos sa opening period upang pantayan ang league all-time low record sa isang quarter na naitala ng Adamson (second period) sa 50-71 pagkatalo sa NU noong Agosto 20, 2014.
Ang lahat ng puntos ng Archers sa first period ay nagmula sa foul line na kaloob ni Joaqui Manuel, kung saan sumablay ang Taft-based cagers sa lahat ng kanilang 19 field goals sa naturang quarter.
Sumirit ang Adamson sa 7-2 record, at naiganti ang heartbreaking 78-79 overtime loss nito sa La Salle sa first round.
Umangat din ang Ateneo sa 7-2 kartada, at nakabawi sa 60-63 pagkatalo sa Tamaraws.
Iskor:
Unang laro:
AdU (57) – Manganti 19, Sarr 12, Ahanmisi 9, Pingoy 6, Camacho 4, Lastimosa 3, Magbuhos V. 2, Zaldivar 2, Catapusan 0, Mojica 0, Espeleta 0, Bernardo 0.
DLSU (50) – Melecio 18, Serrano 10, Baltazar 6, Santillan 5, Montalbo 4, Dyke 4, Manuel 2, Caracut 1, Bates 0, Corteza 0.
QS: 9-2, 28-21, 41-35, 57-50
Ikalawang laro:
Ateneo (82) – Kouame 33, Asistio 15, Tio 8, Wong 7, Mamuyac 6, Verano 4, Mendoza 3, Andrade 2, Belangel 2, Go 2, Black 0, Daves 0, Navarro 0.
FEU (62) – Escoto 13, Cani 13, Bienes 8, Parker 7, Comboy 6, Nunag 4, Eboña 3, Stockton 2, Tuffin 2, Orizu 2, Iñigo 2, Gonzales 0, Jopia 0, Ramirez 0.
QS: 16-16, 34-22, 62-42, 82-62
Comments are closed.