Mga laro sa Sabado:
(Ynares Center)
2 p.m. – DLSU vs UST (Men)
4 p.m. – NU vs UP (Men)
NALUSUTAN ng Adamson ang mainit na paghahabol ng University of the Philippines mula sa 26-point deficit upang lumapit sa Final Four, habang inangkin ng University of Santo Tomas ang solong ika-4 na puwesto sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Muling pinatunayan ang pagiging tinik sa lalamunan ng Fighting Maroons, naisalpak ni Sean Manganti ang isang tres sa huling 1:14 upang maitakas ng Falcons ang 80-72 panalo.
Naitala ni rookie sensation CJ Cansino ang ikalawang triple-double sa season habang nanalasa si veteran Marvin Lee sa three-point area nang sakmalin ng Growling Tigers ang University of the East, 89-78.
May 8-2 kartada, ang Adamson ay hindi lamang lumapit sa semis kundi naitala rin ang two-game cushion laban sa pumapangatlong La Salle (6-4) sa agawan sa ikalawang twice-to-beat incentive.
Umangat ang UST sa 5-5 marka, angat ngayon sa fifth placers UP at Far Eastern University ng kalahating laro sa karera para sa hling Final Four berth.
Nagpakawala si Lee ng game-high 30 points, tampok ang walong triples, ang pinakamarami ng isang player magmula nang tumirada si Jeric Fortuna ng walo sa 87-81 overtime win ng UST kontra UP noong Hulyo 22, 2010.
Ang fourth year guard ay naging una ring Tigers player na nagtala ng 30-point game magmula nang umiskor si Ed Daquioag ng 34 sa 83-76 pagbasura sa Red Warriors noong Okt. 7, 2015.
Naiposte ni Jerrick Ahanmisi ang 16 sa kanyang 24 points sa third quarter kung saan kumawala ang Falcons habang nag-ambag si Jerom Lastimosa ng 14 points at 4 assists.
Sa pagkatalo ay sigurado na ang Warriors sa kanilang ikatlong sunod na 10-loss season.
Iskor:
Unang laro
UST (79) — Lee 30, Cansino 20, Huang 14, Bataller 4, Bonleon 4, Caunan 2, Agustin 2, Mahinay 2, Zamora 1, Marcos 0.
UE (68) — Pasaol 26, Manalang 15, Conner 12, Bartolome 6, Varilla 4, Strait 3, Lacap 2, Guion 0, Beltran 0, Cullar 0, Gallardo 0.
QS: 17-19, 39-33, 59-49, 79-68.
Ikalawang laro
AdU (80) — Ahanmisi 24, Lastimosa 14, Sarr 12, Manganti 10, Catapusan 5, V. Magbuhos 4, Pingoy 3, Camacho 3, Mojica 3, Bernardo 2, Zaldivar 0.
UP (72) — Akhuetie 24, Ju. Gomez de Liaño 15, Desiderio 13, Manzo 8, Ja. Gomez de Liaño 5, Vito 5, Jaboneta 2, Lim 0, Da-rio 0, Prado 0, Gozum 0.
QS: 12-12, 34-26, 67-48, 80-72
Comments are closed.