Laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. – UST vs FEU (Men)
4 p.m. – Ateneo vs UP (Men)
SINAMANTALA ng La Salle ang problema sa shooting ng Adamson sa overtime upang maitakas ang 79-78 panalo at manatili sa top four range sa pagtatapos ng first round ng UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.
Hindi nakaiskor ang Falcons ng field goal sa unang tatlong minuto ng extra session, na nagbigay-daan upang kunin ng Green Archers ang 73-64 kalamangan.
Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Falcons sa overtime loss matapos malasap ang 85-88 loss sa Far Eastern University, kung saan ang San Marcelino-based cagers ay 0-of-9 mula sa field.
Bumagsak ang Adamson sa tie sa FEU at defending champion Ateneo sa unang puwesto sa 5-2, kasunod ang La Salle sa 4-3.
Sa unang laro ay balik ang bangis ng National University nang lapain ang University of the East, 88-61.
Nagpasabog si John Lloyd Clemente ng career-high 21 points at 4 rebounds upang pangunahan ang kanyang koponan sa pagputol sa five-game losing slide.
“It always feels good when you win. It’s been a long time,” masayang pahayag ni head coach Jamike Jarin sa post-game.
Iskor:
Unang laro:
NU (88) – Clemente 21, Ildefonso D. 14, Gaye 12, Ildefonso S. 12, Rike 6, Yu 4, Galinato 4, Diputado 4, Joson 2, Sinclair 2, Morido 2, Aquino 2, Salim 2, Tibyan 1, Malonzo 0, Gallego 0.
UE (61) – Pasaol 20, Conner 15, Manalang 10, Maloles 5, Acuno 4, Varilla 3, Bartolome 2, Beltran 2, Cullar 0, Strait 0, So-brevega 0, Lacap 0, Gallardo 0, Guion 0.
Quarterscores: 23-19, 56-35, 76-49, 88-61
Ikalawang laro:
DLSU (79) – Melecio 22, Santillan 16, Baltazar 16, Caracut 8, Montalbo 8, Serrano 5, Bates 2, Manuel 2, Dyke 0, Go 0.
AdU (78) – Ahanmisi 27, Manganti 23, Sarr 9, Catapusan 5, Camacho 4, Lastimosa 3, Bernardo 2, Colonia 2, Espeleta 2, Magbuhos V. 1, Pingoy 0, Mojica 0.
Quarterscores: 22-16, 33-32, 49-49, 64-64, 79-78
Comments are closed.