KINILALA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen.Rommel Francisco Marbil ang mga pulis na nagbuwis ng buhay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa bansa.
Ayon sa PNP chief, ang mga ipinamalas na katapangan at paglilingkod ing mga pulis ay magsisilbing inspirasyon sa buong hanay ng pulisya.
Inialay ng mga ito ang kanilang buhay upang protektahan ang mamamayan at komunidad laban sa kriminalidad.
Ayon pa kay Marbil, habang nagdadalamhati sa kanilang pagkawala ay nararapat lamang na parangalan ang kanilang alaala sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng kanilang misyon.
Batay sa datos ng PNP, mula Enero 1 hanggang Hulyo 13, 2024 may 16 na pulis ang nasawi habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, 40 ang nasugatan kabilang ang apat na pulis-Maynila.
Nanawagan si Marbil sa lahat ng PNP personnel na buuin ang sakripisyo ng mga nasawing kasamahan at tiyakin ang kanilang kaligtasan.
EUNICE CELARIO