NAGSAGAWA ang lokal na pampahalaan ng Las Piñas ng isang family day celebration upang kilalanin at bigyan ng paggalang ang mga solo parent at ang kanilang mga anak.
Ang aktibidad na may temang “Urbanization and Filipino Family: Together in Strengthening and Developing the Country,” na ginanap sa Verdant covered court ay inorganisa ng City Social Welfare and Development (CSWD).
Pinangunahan ni Las Piñas City Vice-Mayor April Aguilar ang aktibidad na dinaluhan ng mahigit 300 indibidwal mula sa limang pamilya sa bawat barangay.
Layon ng aktibidad na isulong at mapabuti ang buhay ng isang pamilya.
Makatutulong din ito na makukuha ng suporta sa komunidad at mapagtibay din ang aktibong partisipasyon ng mga solo parent. MARIVIC FERNANDEZ