MAGBUBUKAS na sa mga sinehan ang pinakahihintay na “Family History” na prodyus of GMA Pictures and Mic Test Entertainment, simula bukas, Miyerkoles, Hulyo 24.
“A perfect mix of drama, romance, and comedy, ‘Family History’ is a heart-warming movie which depicts values and virtues that are challenged when life takes a sudden turn,” ayon sa comedian, award-winning multi-talented director-actor na Michael V. na siya ring nagsulat, nagprodyus, ang nagdirek. Ang pelikula ay siya ring simula ng pagbabalik ni Bitoy sa big screen.
“I’m really proud of this movie. Gusto kong ma-share ito sa maraming tao. Gusto kong ipakita na kahit sinong tao can do something like this. It’s a story I really want to tell. Hopefully, you learn you something from it. It’s a very special project for me,” said the highly-talented Kapuso comedian.
Ito rin ang unang pagtatambal nina Bitoy at ng seasoned movie actress Dawn Zulueta sa unang pagkakataon.
Kasama ng “BiDawn” tandem ay ang GMA stars na sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Paolo Contis, Nonie Buencamino, Kakai Bautista, Ina Feleo, Mikoy Morales, Nikki Co, Jemwell Ventenilla, Vince Gamad, at John Estrada na may special cameo appearances ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at ng award-winning comedienne at TV host Eugene Domingo.
Ang “Family History” ay graded “B” ng the Cinema Evaluation Board. Pinuri ng Board pelikula para sa outstanding direction, screenplay, cinematography, editing, production design, music scoring, sound design at acting performances.
May nagsabi pa na Bitoy ay malaking potensiyal bilang director.
Magandang panooring ang pelikula na hindi dapat lahat ay rom-com for millennials. “A must see for everyone.”
Dadalhin kayo ng Family History sa rollercoaster of emotions habang nagpapaalala sa lahat ng mga bagay na mahalaga sa buhay ay pananampa-lataya, pag-asa at pag-ibig.
Huwag kaligtaan ang family-drama movie of the yearr – Family History – na magbubukas simula bukas sa sinehan sa buong Pilipinas simula bukas, Hulyo 24.
Comments are closed.