IPINAHAYAG ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ang mga asawa at indibidwal na gustong mapakinabangan ang “permanent contraception measures” ay maaaring gawing saklaw ng PhilHealth.
“Kaagapay rin po ng pamilyang Pilipino ang PhilHealth sa family planning. Kasama po sa benepisyo ang coverage para sa surgical contraception tulad ng vasectomy para sa mga lalaki at ligation o transection ng fallopian tubes para sa mga babae,” ani PhilHealth acting president at chief executive officer Emmanuel R. Ledesma, Jr.
Ipinaliwanag ni Ledesma na ang PhilHealth ay sumasaklaw sa parehong healthcare facility fee at physician fee para sa mga voluntary surgical contraception procedures.
“Kasama po sa healthcare facility fee component ang room and board sa ospital o clinic; mga gamot na gagamitin sa operasyon at habang naka-confine; x-ray, laboratory, at iba pang ancillary procedures and services; at supplies na gagamitin sa mismong operation at during confinement,” ayon kay Ledesma.
Samantala, sinabi ng PhilHealth chief na kabilang sa bahagi ng physician fee ang family planning counseling at client assessment, gayundin ang intra-operative services at ang pagbibigay ng anesthesia.
Saklaw rin ang konsultasyon pagkatapos ng operasyon sa loob ng 90 araw mula sa araw ng operasyon, kabilang ang dressing changes, local incision care, pagtanggal ng tahi, at pamamahala ng mga komplikasyon na hindi nangangailangan ng pagpapaospital.
“Again, we would like to inform everyone that these benefits are automatically given and available at all PhilHealth accredited hospitals and ambulatory surgical clinics and primary care facilities,” sabi ni Ledesma.
“These benefits form part of our Sustainable Development Goal (SDG)-related benefits, kasama rin po ang outpatient treatment para sa malaria, HIV-AIDS, at tuberculosis,” dagdag pa ng opisyal.
Bukod sa mga nabanggit na permanent surgical contraception measures, saklaw rin ng PhilHealth ang mga pangmatagalan ngunit reversible birth control measures, partikular ang Insertion of Intrauterine Device (IUD) at Subdermal Contraceptive Implant.
“Part of the Philippines’ SDGs is to ensure healthy lives and promote well-being for all Filipinos at all ages, with the target of ensuring ‘universal access to sexual and reproductive health-care services, including family planning, information and education, and the integration of reproductive health into national strategies and programs’ by 2030,” ayon sa PhilHealth.
Batay sa pinakahuling Census of Population and Housing (CPH) ng Philippine Statistics Authority na isinagawa noong 2020 at inilabas noong nakaraang taon, ang Pilipinas ay may kabuuang populasyon na 109,035,343.