Family that prays together

By: Kaye Martin

The Family That Prays Together Stays Together – Proverbs 22:6

Sabi nga nila, ang pamilyang sabay-sabay na nagdarasal ay hindi nagkakahiwa-hiwalay. Pinagpapala ng Diyos ang mga nagdarasal ng sama-sama. Binibigyan niya ng katahimikan, pag-ibig at harmony sa tahanan. Napakalaking bagay ng pananalangin ng saba-sabay sa pagpapalaki ng mga anak, dahil dito nila nadedebelop ang ugaliing magdasal, kahit pa malalaki na sila.

Mismong si Jesus ay nagturo sa atin na magdasal ang buong pamilya sa kanyang ngalan, upang manatili ang kapayapaan at pagkakaunawaan, at nang mabendisyunan din ang buong pamilya. Sinabi pa niyang ang ang pamilyang sabay-sabay na nagdarasal ay nakabubuo ng pangmatagalang relasyon dahil matibay ang kanilang pundasyon. Nakabubuo sila ng aliw, inspirasyon at pag-ibig na pangmatagalan.

Sabi ni Patrick Peyton, “A world at prayer is a world at peace.” Makakabuo ka ng world kapag buo ang family dahil family raw ang smallest unit of the society. Sa madaling sabi, kaya nagkakagulo ngayon ang mundo ay dahil kakaunting pamilya na lamang ang sabay-sabay na nagdarasal.

Maniwala kayo o hindi, ipinamamana rin ang paniniwala sa Diyos. Isa itong hindi mananakaw na na pamana sa younger generations — to transmit religious traditions. Ito ang nagpapatibay sa pamilya upang magkaisa. Minsan nga, kahit nagkakagalit, nagkakasundo dahil sa panalangin.

Ayon sa Biblia, God “sets the lonely in families” (Psalm 68:6), blesses children who obey their parents (Exodus 20:12), and blesses parents with children (Psalm 127:3-5). God designed families to be a source of love, support, and strength for us.

Habang pinalalakas ng panalangin ang koneksyon natin sa itaas, lumalalim din ang ating interpersonal relationships. Nagiging sensitibo ang bawat miyembro ng pamilya sa nararamdaman ng iba. Ang pagdarasal ay intimacy – sa Diyos at sa isa’t isa. Kapag sabay-sabay tayong nagdarasal sa pamilya, sabay-sabay rin nating nararanasan ang presence ng Diyos. Yung, alam mong hindi ka nag-iisa at may karamay ka kahit ano pa ang mangyari. Kasi naman, pamilya ang sentro ng plano ng Diyos para sa kaligayahan at progress ng tao na kanyang mga anak.

Itinuturo ng Biblia na sa una pa lamang ay gusto na ng Diyos ng matatag na pamilya. Hindi ba’t inutusan niya sina Eba at Adan na “go and multiply?” Ibinigay rin niya ang pangangalaga kay Jesus sa isang responsableng ama – si San Jose. Kaya nga may Sagrada Familia.

Napakahalaga g mahigpit na bigkis sa pamilya sa panahon ng mga pagsubok sa buhay. Pamilya ang sumusuporta sa atin sa panahon ng pangangailangan – sa panahong akala mo ay walang wala ka nang matatakbuhan. Kaya kung buo ang iyong pamilya, magpasalamat ka. Ikaw ay pinagpala.

Ay sa mga kulang naman ang miyembro ng pamilytya – yung may ama o in ana naligaw ng landas – pamilya pa rin kayo. Kaya ninyong mabuhay ng wala sila. Hindi kayo ang may pananagutan sa Diyos sa kalokohang ginawa nila.

Ang magiging kasalanan mo ay kung mapapariwara ka dahil lamang nawala sila. KNM