FAMOUS SHOWBIZ MOM PINTY GONZAGA MARKETING HEAD NG HAPPY CUP NINA TONI AT ALEX

PINTY GONZAGA

HINDI lang manager ng career ng kanyang daughters na sina Toni at Alex Gonzaga entra eksenaang pinagkakaabalahan ng famous persona­lity Mom na si Mommy Pinty Gonzaga.

Abala rin si Mommy Pinty sa pamamahala ng 5-storey building nila sa Manila E Rd, Taytay, Rizal na puno ng tenants. Si Mrs. Gonzaga rin ang tumatayong marketing head ng lumalagong Happy Cup nina Alex at Toni at madalas siya ang nakikipag-meeting sa lahat ng kanilang staff. Ito rin ang tumatanggap ng inquires sa mga nais magkaroon ng franchise sa Happy Cup.

Nasa planning stage na rin ang pagpapatayo ni Mommy Pinty ng mala­king resort sa kilalang probinsya na magiging rest house nilang pamilya at bukas rin ito sa publiko.

Samantala, nasa news pala si Mommy Pinty na nabiktima kamakailan ng riding-in-tandem sa Tropical Hut, Taytay kung saan naagaw ang kanyang Hermes Bag na Christmas gift pa naman sa kanya nina Toni at Alex. Ang ipinagpapasalamat na lang nito sa Itaas, ay buhay siya. Oo nga naman!

SYLVIA SANCHEZ NOMINADONG BEST ACTRESS SA NORTH EUROPE INTL FILMFEST  2020

HINDI lang super blessed ang 2019 ni Sylvia Sanchez kundi merry pa ang kanyang Christmas dahil sa magandang regalong natanggap na siya ay nominado bilang Best Lead Actress in a Foreign Language Film para sa pinagbidahang pelikulang “Jesusa” sa North Europe International Film Festival 2020 na nauna nang nabigyan ng Jury Prize award sa Sinag Maynila 2019.

Masaya si Sylvia at bukod sa kanya ay may ilang nominations pa sila sa North Europe Int’l Film Festival ang Best Foreign Language Feature Film (Jesusa), Best Director of a Foreign Language Film (Direk Ronald Carballo) at Best Supporting Actress in a Foreign Language Film para kay Mara Lopez.

Sa mahusay na performance sa “Jesusa” na ikinumpara pa ang acting kay Nora Aunor ay mukhang si Sylvia ang makakasungkit ng Best Actress award sa nasabing international film festival. ‘Yung nomination nga nito ay mala­king achievent, what more kapag pinalad na manalo ang actress na patuloy pa ring napapanood sa kanilang top-rating drama series na “Pamilya Ko,” na we heard ay aabutin pa hanggang March 2020.

‘BAWAL

JUDGEMENTAL’ SA EB SUPORTADO NG CASINO ACTIVE ALCOHOL AT IAM WORLDWIDE

TULOY-tuloy na tinatalo sa ratings game ng Eat Bulaga ang katapat na noontime show sa ABS-CBN at mukhang sa segment ng EB na “Bawal Judgemental ay hindi na makapupuntos pa ang TNT ng kabila. Parami nang parami kasi ang tumututok sa kinaaliwang “Bawal Judgemental”  na araw-araw ay iba ang issue o topic sa naglalarong mga judgemental dabarkads at guest celebrity.

Maliban sa kinapupulutan ng aral ang mapapanood dito na kuwento ng totoong buhay ay naka-i-inspire ito sa TV viewers at studio audience. Suportado ng Casino Active Alcohol at Pure Organic Barley by IAM Worldwide ang nasabing segment na hosted ni Bossing Vic Sotto, Joey de Leon, ang very wacky and funny na JOWAPAO at iba pang EB Dabarkads.

Comments are closed.