TUWANG-TUWA si Maine Mendoza na ang hinahangaan niyang actor na si Carlo Aquino ay makakatrabaho niya sa isang pelikula.
Magsasama ang dalawa sa Isa Pa With Feelings sa ilalim ng Black Sheep ng ABS-CBN Production.
Nag-story conference nu’ng June 27 ang grupo ni Maine at Carlo. At ang magdidirek ng movie ng dalawa ay si Prime Cruz.
Para kay Maine, dream come true ang makatrabaho si Carlo dahil siya ay fan ng actor.
Last year nga ay um-attend pa ang Kapuso actress ng premiere night sa movie nina Carlo at Bela Padilla, ang Meet Me In St. Gallen.
Nagpa-selfie si Maine kay Carlo at pinost ito ng una sa kanyang socmed account na may caption “Pwede mag- fan girl?”
WILLIE NAGBIGAY NG JACKET KAHIT NASA MALL
HINDI sukat akalain ni Janno Gibbs na magkikita sila ng Wowowin host na si Willie Revillame sa isang mall.
Kasalukuyang namimili ang singer-actor ng ilang personal na kagamitan nang aksidente niyang makita ang namimili ring si Kuya Wil.
Saglit na kumustahan at kuwentuhan ang dalawa bago nagpaalam si Janno. Pero, agad daw siyang binalikan ni Willie at tinanong kung ano raw ang gusto niya.
Pinost ng singer-actor ang pagkikita nila ni Kuya Wil. Aniya sa kanyang socmed, “Binalikan nya ako. Tinanong ano daw gusto ko. Sabi ko wag na.
“Mapilit sya. Inutusan ang saleslady ‘Bigyan ng jacket yan!’ Salamat, pare.”
Ganyan naman si Kuya Wil, hindi pwedeng ‘di sya magbibigay ng kahit maliit na bagay kapag aksidenteng nakita ang mga kaibigan o kakilala.
Kuwento nga ng isang prominenteng reporter: “Nu’ng una hindi talaga ako malapit kay Willie, kasi nayayabangan ako sa kanya, pero one time na nag-aabang ako ng taxi, may kotseng pumara sa harap ko. Pagbaba ng window, si Willie pala at pinasakay niya ako sa kanyang sasakyan. Hinatid niya ako sa aking pupuntahan. Doon ko nakita ang kabutihang loob ng isang Willie Revillame.”
Tulad ni Herlene a.k.a. Hipon Girl ang isa sa lady co-host ni Kuya Wil sa Wowowin.
Sinabi ni Hipon kung papano niyang hinahati ang kanyang oras sa pagho-host at sa pag-aaral.
Nalaman ni Kuya Wil, at sinabi kay Hipon na last day na raw niya sa Wowowin.
Pagkasabi sa kanya ni Kuya Wil ay agad na tumulo ang luha ni Hipon Girl at sinabing hindi naman daw siya nagrereklamo.
Umiiyak na sabi ni Hipon girl, mapagsasabay naman daw niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. At ayaw daw niyang umalis sa programa. “Ayoko umalis sa Wowowin.”
Bandang huli, sinabi ni Kuya Wil na siya na lang daw ang magbabayad ng tuition ni Herlene, pero tumanggi ang dalaga at nagmamakaawang ‘wag daw siyang alisin sa Wowowin.
LOVE CHILD NINA JOHN LLOYD AT ELLEN ONE YEAR OLD NA
PARANG kelan lang noong isilang ang baby boy nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias Modesto ay one year old na pala.
Nagkalat sa social media ang mga kuhang larawan sa selebrasyon ng kanilang bundle of joy.
Sa photo ay karga ni JLC ang kanilang anak, samantalang si Ellen ang aligagang nag-e-entertain sa mga bisita ni Elias.
Samantala, ang ibang netizens ay hindi ang birthday celebrant ang kanilang pinuna sa picture kundi ang actor na si Lloydie.
Ang akala raw nila ay nagpa-haircut na ang actor na picture sa kanyang profile.
Komento ng isang netizen, “Kala ko nagpa-skin head JLC?!?” May sumagot na old photo raw ng actor ang pinost sa profile kamakailan.
‘Fake news lang pala ng ABS ‘yung new look niya.
‘Yun na!!!
Comments are closed.