FANS NINA ALDEN AT KATHRYN MAY KANYA-KANYA NANG BLOCK SCREENING NG HLG

kathryn and alden

NGAYON pa lamang na pumasok ang month of June, kahit sabi ay sa July 31, 2019 pa ang showing ng showbiz eye“Hello, Love, Goodbye” na first team-up nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Star Cinema, iyong mga unang nakapanood ng rough edited movie ni Direk Cathy Garcia-Molina, ay puring-puri na nila.

Balitang pinapanood nga muna ni Direk Cathy ang movie, para makita nila kung may eksena bang dapat i-reshoot o dapat i-edit pa.  At isa si Roxy Liguigan @Roxy_Liquigan, of ABS-CBN Music, na nag-post ng mga comments niya sa Twitter.

“Congratulations Kathryn and Alden.  One of the best star cinema movies I have seen #HelloLoveGoodbye viewing.”  “Ang script, grabe!” “So proud of Kathryn and Alden!” “Ang galing-galing mo talaga Kathryn Bernardo. As in.” “Alden, para sa iyo talaga ang role.  Napakahusay!” “Hindi ka talaga titigil sa pag-iyak.  Sakit sa lalamunan. Huhuhu.” “Yes, cry ka talaga sa ending.  Da­ming realization sa buhay. Haaaay” “At ang casting ha, Kakai Bautista, Joross, Jeffrey Tan, Lovely Abella, Jameson, ang huhusay!!!”

So far, walang sinasabi ang Star Cinema, o kahit si Direk Cathy kung ano talaga ang story ng “Hello, Love, Goodbye!” Wala pa rin silang sinabi kung ano ang individual role na gagampanan nina Alden at Kathryn, maliban sa mga OFWs silang nagtatrabaho sa Hong Kong, kaya almost two months silang nag-shooting doon. Nang una ngang lumabas ang title ng movie, maraming nagtanong kung may mamamatay daw, sino kina Kathryn at Alden.  Pero sabi ay wala namang mamamatay.

Kaya ngayon pa lamang marami nang excited sa pagpapalabas ng movie, sana raw ay ma-advance sa original playdate.  At abala na rin ang fans nina Kathryn at Alden, ang mga KathNiel fans at ang AlDub Nation sa pag-organize ng block screening ng movie.  Latest count na nalaman namin, more than 60 block screenings na ang naka-schedule.  Even ang  fans ni Alden, ang Team Abroad, ay nag-sponsor na ng block screening sa mga counterparts nila rito sa Filipinas.

CLINT BONDAD HOST NA NG ISANG SEGMENT NG EB

NAKAKA-EXCITE ang bagong segment ng “Eat Bulaga” ang “Rush 4 Win Philippines Slippery Stairs.”  CLINT BONDADNumber 1 fun game pala ito sa Japan at nakuha ng longest running noontime show ang rights para ipalaro rin ito sa six contestants na gustong mag-try ng luck nila para manalo at mag-uwi ng malaking premyo.

Palakasan ng tuhod at braso ang laban dito dahil slippery nga ang mga stairs, kahit nasa itaas na kayo ng hagdanan, konting pagkakamali ay babagsak muli kayo hanggang sa ibaba, nadadamay pa ang madadaanan nila pababa.  May chance namang mag-try muling umakyat at baka suwertehing ikaw pa rin ang manalo.  May nanalo na ng 75 thousand pesos sa first day na ipinalabas ang segment last Friday, May 31.

Si Kapuso hunk actor Clint Bondad ang host ng segment kasama sina Jose Manalo at Ryan Agoncillo.

Ang maganda sa segment na ito, may time ang mga EB hosts na magpahinga habang pinapanood nila ang palaro at makikita mo rin ang excitement nila lalo na kung may napipili silang contestant na puwedeng manalo.  Last Saturday, ang mga contestants ay ang mga finalists sa katatapos na Backlash contest.

Comments are closed.