FANS NINA ALDEN AT KATHRYN NALUNGKOT SA TITULO NG KANILANG PELIKULA  | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
ALDEN AT KATHRYN

FANS NINA ALDEN AT KATHRYN NALUNGKOT SA TITULO NG KANILANG PELIKULA 

NAKATUTUWA naman ang fans nina Alden Richards at Kathryn Bernardo nang mag-tweet si Alden showbiz eyelast Tuesday morning ng title ng movie na first team up nila sa Star Cinema, ang “Hello, Love, Goodbye.”

May nagtatanong agad bakit daw ganoon ang title ng movie, parang malungkot, may mamamatay raw ba? Sino raw kina Alden at Kath?  May mga harsh comments nang huwag daw si Alden ang mamamatay, siyempre, ayaw rin ng fans ni Kath na ang idolo nila iyon.

Wala pang nakakaalam kung ano ang story ng movie na dinidirek nga­yon ni Cathy Garcia-Molina na sino-shoot sa Hong Kong for three weeks.  Maliban sa story raw ito ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) wala nang sinabi kung ano ang role na gagampanan nina Alden at Kathryn.

Napansin lamang na si Alden, nang umalis sila ni Kath last Monday, may earring sa right ear niya (magnetic earring daw iyon na idinidikit lang) at may tattoo siya sa left arm (henna tattoo).  For his role, kinailangan ni Alden na mag-lose ng weight (ate food na walang asin, oil, and sugar) kaya in three weeks, nag-lose na siya ng 19 lbs. and more pa hanggang sa matapos ang movie.

Excitedly awaiting na ang fans sa showing ng movie.

JOYCE PRING OKEY LANG NA WALANG TULOG BASTA INSPIRADO

JOYCE PRINGNATUTULOG pa ba si Joyce Pring, tanong ng mga kausap niya after the media launch ng bagong online newscast na “Stand for Truth” ng GMA News and Public Affairs?

Si Joyce ang in-charge sa music segment ng online show na gamit din niya ang language at #hugots of the generation.  Siya rin ang mag-i-interview sa biggest bands and musicians ng bansa.

Isa rin si Joyce sa mga hosts ng longest-running morning show “Unang Hirit” na pumupunta sa mga lugar na ipi-feature nila tuwing umaga, na kung minsan, as early as 4:00 AM ay bumibiyahe na sila papunta sa location.  Host din si Joyce ng “Kapuso Artistamba­yan,” producer ng podcast #AdultingWithJoycePring na ina-upload niya sa vlogs on her YouTube channel every week.

Biro namin kay Joyce, inspirado siguro siya kaya okey lamang sa kanya kung hindi siya halos natutulog, dahil kasama naman ang nali-link sa kanyang si Juancho Trivino. Hindi naman nagkaila si Joyce.

“Yes, nanliligaw po si Juancho, na-meet na niya ang parents ko, my mom loves him.  Maganda po iyong in favor sa kanila ang nanliligaw sa akin.  At ang nakatutuwa kay Juancho, ipinagpatuloy po niya ang studies niya kahit medyo mahirap din sa mga sched-ules namin.  He’s taking Business Administration sa La Salle University.  He has a good heart, loves God and his family.  Siya ang first guy na nakilala ko na believe ako sa pasensiya niya sa akin.  We like to eat food together, mga Pinoy foods ang paborito namin.  Magkasama kami going to church, manood ng sine at he takes me and my friends out para naman maiba, hindi puro work lamang.”

Magsisimula na sa April 15, Monday to Friday, at 8PM ang 15-minute news program na ila-livestream via GMA Public Affairs YouTube account and GMA News Online, and shared on GMA Network’s vari-ous social media sites.

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS