FANTASTICA NI VICE GANDA TINA-TANONG KUNG UMABOT SA P1-B ANG KITA SA MMFF

fantastica

CURIOUS ang marami na malaman kung umabot na sa P1 billion ang kinita sa takilya ng pelikula ni reflectionVice Ganda na “Fantastica” sa 2018 Metro Manila Filmfest.

May sinabi raw kasi si Vice na aabot ng P1-B ang kikitain ng movie niya. Pero kung hindi, ang movie pa rin ng Star Magic artists na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang may hawak ng record bilang highest box office record for 2018.

Speaking of Kathniel, ‘di sila nakasama sa annual charity gift-giving event nila na Star Magic Gives Back noong Disyembre 1.

STAR MAGIC ARTISTS NAGPASAYA SA CHARITY INSTITUTIONS

Apat na institutions ang napili ng Star Magic para personal na dalawin ng kanilang artists this year STAR MAGICupang mag-share ng kanilang time, talent, laughter and gifts.

Ang apat na  chosen institutions ay ang Good Samaritan Home for the Elderly sa Marikina, ang Craniofacial Foundation of the Philippines sa Maynila, Sta. Maria de Mattias sa Marikina at ang Bantay Bata Children’s Village sa Bulacan.

Ilan sa Sta Magic artists ang nagbigay saya sa mata ng mga bata sa Bantay Bata Children’s Village sina Piolo pascual, Edward Barber, Maymay Entrata, Eric Nicolas, Enzo Pineda at Sharlene San Pedro

Habang magkakasama naman sina Maja Salvador, Gerald Anderson, AC Bonifacio, Joi at Jai Agpangan, Lala Vinzon at iba pa ang nagpasaya sa taga-Gppd Samaritan Home for the Elderly.

Nagpa-games naman sina Sue Ramirez, Nash Aguas, Jairus Aquino, Kitkat, Jenny Miller, Xia Vigor, Lance Lucido, Hannah Vito, Myel de Leon, Uno Bibo, Andrez del Rosario at Erika Clemente sa Sta. Maria de Mattias kids.

PHILIP SALVADOR SILIP LANG SA GABI NG PARANGAL

PASILIP-SILIP lang si Philip Salvador sa loob ng Theater sa Solaire kung saan ginanap ang awards night PHILIP SALVADORng 2018 Metro Manila Film Festival. Walang duda na kaya nandoon si Philip ay bilang suporta sa tumatakbong si Bong Go at kilalang ‘kanang kamay’ ni Pres. Rodrigo Duterte.

Kabilang kasi si Go sa jury ng MMFF this year. At bilang jury, naka-assign sila to present the award sa mga mananalo that night. Kung sinuman ang nakaisip na isali si Go sa mga jury, napakalaking bentahe for him ang exposure na nakuha niya sa MMFF.

Anyway, ang saya-sayang tingnan ng mga artista at production staff ng pelikulang “Rainbow’s Sunset” everytime may mananalo from them during the awards night ng MMFF kamakailan.

As we all know, humakot ng awards ang “Rainbow’s Sunset” mula sa technical hanggang sa acting category sa MMFF. And hopefully, nadagdagan ang mga sinehan.

In full force talaga ang grupo nila mula sa producer na si Harlene Bautista ng Heaven’s Best hanggang sa mga baguhang artista na kasama sa “Rainbow’s Sunset” ay nakiki-cheer every time mananalo ang movie nila.

ANAK NINA HARLENE AT ROMNICK  PINASOK NA RIN ANG SHOWBIZ

Isa sa new stars na kasama sa kanila ang anak  mismo ni Harlene na si Zeke Sarmenta, anak ni Harlene Zeke Sarmentasi Zeke sa mister niyang si Romnick Sarmenta.

Speaking of Zeke, nakaka-impress kausap ang anak nina Harlene at Romnick. At kahit may pinagdadaanan ang kanyang mga magulang, mahusay niyang nadadala ang sitwasyon at maayos niyang nasasagot ang mga tanong sa kanya ng entertainment press.

And when asked about her lovelife, ‘di siya umarte-arte at diretsahang sinabi na may boyfriend na siya. Ilang buwan pa lang daw ang relasyon nila pero matagal na silang magkakilala ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Nagkakilala sila sa isang event hanggang maging magkaibigan. Sa US nakatira ang pamilya nu’ng guy at doon din nag-aaral ang bf niya.

Inamin din ni Zeke na seloso ang boyfriend niya.

“Kasi parang ano niya, nag-aartista ka. Tapos baka may maka-loveteam ka. Hahaha. Sabi ko, ‘Sira ka talaga.’ Pero sabi ko sa kanya, at the end of the day trabaho lang. Although, ayaw ko naman po talaga ng may kalabtim.”

Suot-suot pa ni Zeke ang singsing na binigay sa kanya ng bf niya. Biniro namin siya kung engagement ring na ba ‘yung sing-sing na binigay sa kanya ng boyfriend niya.

“Ay, hindi po. Hindi po,” mabilis na tanggi ni Zeke.

Comments are closed.