ITINUTULAK ng isang kongresista ang pag-institutionalize at pagpapalawak pa ng student fare discount.
Hinihiling ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe ang pagbibigay ng 15% fare discount sa mga estudyanteng kumukuha ng graduate studies at masteral studies.
Sakop ng 15% fare discount ang pamasahe ng mga graduate student sa taxi, bus, jeepney at iba pang public land transportation.
Giit ni Batocabe, dapat na itigil ang pamimili sa pagbibigay ng discount sa mga estudyante dahil wala naman itong pinagkaiba sa mga estudyanteng kumukuha ng post-graduate studies.
Hindi, aniya, tama na ipagkait sa mga kumukuha ng masteral o post-graduate studies ang discount sa pamasahe dahil kailangan din nila ito. CONDE BATAC
Comments are closed.