SINIMULAN na kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-recalibrate sa taxi meters na magbibigay-daan sa mas mataas na pasahe na inaprubahan noong Oktubre ng nakaraang taon.
Sa ilalim ng bagong pasahe, ang mga taxi ay maniningil na ngayon ng P3.50 per kilometer at P2 per minute bukod pa sa P40 flagdown rate.
Base sa bagong pasahe, ang isang 5-minute long, 1.7-kilometer ride ay magkakahalaga ng P78.50 mula sa P63.50 gamit ang lumang sistema.
Ang booking fees ng taxi-hailing apps ay hindi kasama sa sample computation.
May 29,000 taxi meters ang nakatakdang i-recalibrate ng LTFRB.
“Taxis can recalibrate their meters even without the required dashboard cameras as long as the devices are installed within 2 months,” ayon sa LTFRB.
Ang bagong fare matrix para sa ride-hailing services, na bahagyang mas mataas sa mga taxi, ay ipalalabas din ng LTFRB.
Comments are closed.