FARM BUSINESS PALALAWAKIN

HINIHIKAYAT ang mas mara­ming farm workers at owners na tuklasin ang mga merito ng farm businesses kung saan ang agri-entrepreneurship ang emerging trend na magpapaigting sa kita ng agricultural players sa buong bansa.

Iginiit ni Senadora Cynthia A. Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, ang kahalagahan ng agri-entrepreneurship sa walang katapusang pakikipaglaban ng pamahalaan sa kagutuman at kahirapan na laganap sa kapuluan, lalo na sa malalayong rural areas.

“We need to work together to improve the quality of your lives,” pahayag ni Villar sa mga participant ng 10-day workshop training para sa trainers, na ka­ramihan ay mga magsasaka at miyembro ng kooperatiba na nagmamay-ari ng farm schools, na nagtuturo ng basics ng pagtatayo ng up farm busi-nesses.  Ang training ay magkatuwang na isinagawa ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (SIPAG) at ng Agricultural Training Institute of the Department of Agriculture Region 1V-A.

Tinanggap ng may 28  graduates mula sa National Capital Region (NCR), Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Sorsogon at Camarines Norte ang certificates ng training completion sa Villar SIPAG Farm School sa Bacoor City, Cavite.

Kumpiyansa si Villar na maibabahagi ng mga lumahok ang kanilang kaalaman sa agri-entrepreneurship sa kanilang farm schools at komunidad. Binigyan-diin niya na ang farm business ay isa sa mga alternatibo para sa karagdagang kita ng mga magsasaka dahil sa malawak nitong opsiyon.

Sa naturang training na ginanap sa City of Springs sa Los Baños, Laguna, tinuruan ang mga kalahok ng mga bagay tungkol sa farm business schools gaya ng farm production at marketing plan, farm business record keeping, Basic Taxation on Farming Enterprises, Understanding Marketing and Markets, the Art of Negotiation, Marketing and the Value Chains, Facilitating Market Access & Engaging in New Markets, Market Survey at Benchmarking. VICKY CERVALES

Comments are closed.