FARM GATE PRICE NG  LIVE CHICKEN SUMIPA

LIVE CHICKEN

TUMAAS ang farm gate price ng live chicken ng mahigit sa 10 percent sa nakalipas na linggo sa gitna ng pag-bargain ng poultry products ng malalaking kompanya sa mga supermarket upang mabawasan ang kanilang pagkalugi sa pagbaha ng supply ng  broiler sa merkado.

Gayunman, sinabi ni  United Broiler Raisers Association (Ubra) President Elias Jose Inciong na nagdududa pa rin ang local poultry raisers kung ang selling spree ng malalaking poultry firms ay mag-uudyok ng pagtaas ng farm gate prices, na bumababa sa nakalipas na mga buwan.

“There was an increase [in farm-gate prices] but unstable. It can still collapse anytime,” wika ni Inciong. “[San Miguel] sold chicken in supermarkets at a bargain. It may have created some space in the cold storage.”

Sa pinakahuling price monitoring ng Ubra ay lumitaw na ang average farm gate price ng regular broiler hanggang noong Enero 18 ay tumaas ng 10 percent sa P66 per kilogram mula sa P60 per kilogram na naitala noong ­Enero 11. Gayundin, ang farm gate price ng prime-sized chicken ay sumipa ng 14.43 percent sa halos P70 per kilogram mula sa P61 per kilogram average sa naunang linggo.

Gayunman, sinabi ni Inciong  na ang poultry raisers ay nagbebenta pa rin ng mas mababa sa cost-to-produce level na P80 hanggang P85 per kilogram.

Dagdag pa niya, ang demand para sa manok sa first quarter ay karaniwang bumababa dahil mas inuuna ng mga consumer ang pagbabayad sa mas mahahalagang bagay tulad ng tuition.

“Production has been cut by almost 50 percent all over the country, while some raisers are absolutely [in] wait-and-see [atti-tude]. Some raisers have already extended their production cycles to 90 days from the usual 60 days, which is already a 30-percent reduction in production,” paliwanag pa niya.

Sa monitoring ng BusinessMirror sa ilang local supermarkets, ang ­presyo ng ilang branded chickens, tulad ng Bounty Fresh at San Miguel’s, ay bu­maba ng hanggang 31 percent.

Ang isang kilo ng Magnolia chicken ay mabibili sa  P90 mula sa dating P131 per kilogram, habang ang Bounty Fresh chicken ay ibinebenta sa P99 per kilogram.

“San Miguel and Bounty have a lot of supply. They would not bring down their prices if they do not have too much supply,” ani Inciong.

“Remember, cold storages are now tight and it is not a profitable option for everyone to prolong storing at cold storages because it would be too expensive.” JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS

Comments are closed.