FARM-GATE PRICE NG MAIS SISIPA PA

MAIS

TATAAS pa ang farm-gate prices ng mais kapag nanalasa ang bagyong Ompong sa corn farms sa Northern Luzon dahil magreresulta ito sa pagnipis ng supply, ayon sa Philippine Maize Federation Inc. (Phil-Maize).

“Definitely the prices would go up because there would be scarcity in supply. Prices would really go up,”  wika ni PhilMaize President Roger V. Navarro.

Ayon kay Navarro, ang farm-gate prices ng mais ay sumipa sa mga nakalipas na buwan dahil sa pagkaantala ng pagtatanim ng corn farmers, bukod pa sa pabago-bagong lagay ng panahon na nakaapekto sa produksiyon ng corn sector.

Aniya, hindi niya nakikitang magiging mas mababa sa P14 ang farm-gate price ng mais sa mga susunod na buwan dahil sa mas malaking demand ng institutional markets.

“We now have a different supply chain that needs a lot of corn. This supply chain is driven by the industrial market, which is determined to keep up the prices high,” sabi pa ng PhilMaize chief.  Ang industrial market ay kinabibilangan ng cornstarch makers, beer producers, 3-in-1 coffee producers at iba pa.

Aniya pa, ang industrial users ay bumibili ng daan-daang libong metriko tonelada sa price level na P14  hanggang P16 per kilogram.

“This will now be the norm in our prices,” paliwanag ni Navarro.

Nauna rito ay nagbabala ang Department of Agriculture (DA) na aabot sa P13.5 bilyon ang maaaring mawala sa rice at corn sectors ng bansa na may tinatayang production loss na mahigit sa 400,000 metric tons (MT) kapag nanalasa ang bagyong Ompong sa Northern Luzon farms ngayong linggo.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol, ito ay base sa pagtaya ng Field Operations Office ng ahensiya sa posibleng epekto ng bagyong Ompong sa rice at corn sectors.

Sa worst case scenario, may 893,726 ektarya ng rice farms sa Regions I, II, III at CAR ang maaapektuhan ng bagyo na may tinatayang output loss na 156,792.94 MT.

“Majority of the standing crops planted in the four regions are in their vegetative stage with around 511,276 hectares,” ayon sa DA.

Sa pagtaya ng DA, ang production loss ay maaaring pumalo sa P7.291 billion sa apat na rehiyon.

“A moderate projection shows rice crop losses amounting to P3.3 [billion],” pahayag ni Piñol sa post sa kanyang official Facebook page kahapon.

Sa pagtaya ng DA, ang Region 1 ang maaaring magtamo ng pinakamalaking pinsala sa P3.332 billion na may production loss na 57,477.02 MT na nakatanim sa 262,853 ektarya.

Sa pangkaraniwang sitwasyon, ang rice farmers ay maaaring mawalan ng  65,671.31 MT sa kanilang produksiyon.

Sa datos ng DA, kapag nawalan ang bansa ng 600,000 MT dahil sa mga kalamidad sa third at fourth quarters, ang total palay output ay maaaring magkasya sa 18.84 MMT.

Ang numero ay mas mababa ng 2.28 percent sa 19.28-MMT record-high palay harvest noong 2017.          JASPER ARCALAS

Comments are closed.