FARM-GATE PRICE NG MANOK BUMABA

MANOK

BUMABA   ng may siyam na porsiyento ang farm-gate price  ng manok  sa kalagitnaan ng Agosto  dahil sa mataas na demand  habang   lumilipat ang mga mamimili ng isda at karne   sa manok.

Ayon kay United Broiler Raisers Association (Ubra) President Elias Jose Inciong, bumaba ang presyo dahil mas marami ang binibili ngayon ng mga consumer dahil sa pagmahal ng isda at mga karne.

Sinasabing ito ay yearly pattern  ng  interaksiyon ng supply-demand.

Sa lingguhang price monitoring survey ng Ubra ay  lumilitaw na  sa Agosto 17 ay nasa P93 per kilogram ang manok na  5.1 porsiyentong   mababa sa P98 kada kilo ng farm-gate price nitong Agosto  10.

Ang farm-gate price  ng regular-sized broiler ay bumagsak ng 6.23  porsiyento o P92.67 kada kilo mula sa P98.83 kada kilo noong nakaraang linggo.

Habang ang prime-sized chicken  ay  P94.12 kada kilo,  na 8.68 porsiyentong mas mababa  sa P103.07  kada kilo  nitong Agosto 10.

Base sa rekord ng Ubra,   nagsisimulang bumaba ang presyo ng manok sa huling linggo ng Agosto hanggang Oktubre.

Comments are closed.