FARM-GATE PRICE NG PALAY BUMABA

Palay

BUMAGSAK ang average farm-gate price ng palay ng 2.05 percent sa six-week low na P22.41 per kilogram (kg) mula sa naunang level na P22.88 per kg sa pagpasok ng bansa sa main harvest season nito, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Gayunman, ang ha­laga ay mas mataas pa rin ng 16.54 percent kumpara sa average farm-gate price na P19.23 per kg noong fifth week ng September 2017.

Ayon sa PSA, ito ang ikalawang sunod na linggo na bumaba ang average farm-gate price ng palay sa buong bansa.

Mula September 26 hanggang October 2, naobserbahan ng PSA ang pinakamataas na farm-gate price sa Central Visayas sa P25.24 per kg, habang ang pinakamababang average quotations ay sa ARMM sa P20 per kg.

Tulad sa naunang linggo, naitala ng PSA ang mixed movements sa wholesale at retail prices ng bigas sa bansa.

Sa wholesale level,  ang presyo ng well-milled rice at regular-milled ay bumaba sa ikalawang sunod na linggo.

“At the wholesale trade, the average price of well-milled rice at P45.95 per kg fell by 0.20 percent from previous week’s level. On the other hand it, piced up by 17.01 percent from the level a year ago of P39.27 per kg,” pahayag ng  PSA sa report na na­lathala kamakailan.

“Compared to the previous week’s level the average wholesale price of regular-milled rice at P43.08 per kg went down by 0.09 percent. On an annual basis, it gained by 21.08 percent,” dagdag pa nito.

Sa unang pagkakataon, ang average retail price ng well-milled rice ay bahagyang bumaba sa P49.30 per kg mula sa P49.37 per kg noong naunang linggo. Gayunman, ang average quotation ay mas mataas pa rin ng 16.55 percent sa P42.30 per kg sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

“At the retail trade, the average price of regular-milled rice at P46.04 per kg inched up by 0.46 percent from previous week’s level. Relative to the level a year ago of P38.01 per kg, it climbed by 21.13 percent,” dagdag pa ng PSA. JASPER ARCALAS

Comments are closed.