FARM GATE PRICE NG PALAY BUMABA-PSA

NAHAGYANG  bumaba ang farm gate price ng kada kilo ng palay.

Ito ay batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Abril.

Ayon Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General ng PSA, nabawasan ng 1.1 percent ang presyuhan ng palay o nasa P17.23 kada kilo mula sa P17.43 kada kilo ng palay noong Marso.

Sa tala ng PSA, pitong rehiyon ang nagpakita ng pagbaba ng farmgate price ng palay.

Ang Rehiyon ng MIMAROPA ang may malaking pagbaba ng farm gate price ng palay na aabot sa 7.4 percent.

Ang BARMM naman ang pinakamataas na pag-angkat ng presyo na aabot sa 9.4 percent. Beth C