BUMAGSAK ang average farm-gate price ng yellow corn sa dalawang sunod na linggo ngayong Agosto subalit patuloy sa pagtaas ang wholesale at retail quotations nito, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa pinakabagong price monitoring report nito, sinabi ng PSA na ang average farm-gate quotation ng yellow corn sa ikalawang linggo ng Agosto ay bahagyang bumaba sa P14.19 per kg mula sa P14.21 per kg sa naunang linggo.
Ito ang ikalawang sunod na linggo na bumaba ang yellow corn farm-gate prices magmula noong ika-4 na linggo ng Hulyo nang maitala ang presyo ng bilihin sa P14.44 per kg.
Gayunman, sa kabila ng pagbaba magmula noong end-July, ang farm-gate price ng yellow corn ay mataas pa rin ng 26.47 percent kumpara sa P11.22 per kg na naitalang price level noong Agosto 2017.
Bukod dito, ang average wholesale at retail price levels ng yellow corn noong mid-August ay kapwa patuloy na tumaas.
“Wholesale prices of yellow corn grew 1.22 percent to P20.73 per kg from the P20.48-per-kg price level recorded in the first week of August. The latest farm-gate quotation is 18.01 percent higher than its year ago average of P18.01 per kg.,” ayon sa ulat ng PSA.
“During the second week of August, the average retail price of yellow corn breached the P25-per-kg price level as it grew 2 percent from its previous week’s level,” dagdag pa ng PSA.
“Yellow corn was sold at the retail level at an average of P25.49 per kg, P0.50-centavo lower than the P24.99 per kg recorded quotation at the start of August. The figure was also 14.66 percent higher than the P22.23-per-kg price level recorded in August 2017.”
Ayon sa industry stakeholders, ang farm-gate price ng yellow corn, na mahalagang bahagi ng animal feeds, ay sumipa ngayong taon dahil sa pabago-bagong produksiyon sa ilang bahagi ng bansa. JASPER ARCALAS
Comments are closed.