INIHAYAG kamakailan ng Laban Konsyumer, Inc. (LKI), isang grupo ng pribadong sektor na ang adbokasiya ay tungkol sa consumer rights, na ang farm gate prices ng manok ay patuloy na bumaba noong nakaraang Hulyo.
Sa isang mensahe sa Viber, sinabi ni LKI president Vic Dimagiba na “farm gate prices ng manok ay nagpapakita ang patuloy na pagbaba noong Hulyo. At ang kasalukuyang presyo.”
Noong Hulyo 26, ang presyo ng Off Size chicken ay bumagsak sa PHP84 bawat kilo, regular sa PHP84.67 bawat kilo at Prime sa PHP81.58 kada kilo, paglalahad niya.
Noong Hulyo 12, ang Off Size ay nasa PHP92 bawat kilo, Regular sa PHP91.50 bawat kilo at ang Prime ay nasa PHP96.86 bawat kilo, dagdag pa ni Dimagiba.
Nauna pa rito, noong Hulyo 5, ang Off Size ay nasa mataas ang presyo sa PHP101 bawat kilo, Regular sa PHP102, ang Prime sa PHP105 bawat kilo.
Sinabi niya na ang datos ay direktang galing sa United Broiler Raisers Association president Elias Jose Inciong.
Samantala, ang umiiral na retail price ng manok ay bumaba na sa PHP150 bawat kilo hanggang nitong Hulyo 25 mula sa PHP170 bawat kilo nang Hulyo 13 at PHP160 bawat kilo noong Hulyo 5, pahayag ng LKI president sabay banggit sa datos galing sa Philippine Statistics Authority. PNA
Comments are closed.