MAS nakabuti sa produksiyon ng farm sector ang pagbuhos ng ulan dala ng bagyong Domeng nitong weekend, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol na sa kasalukuyan ay walang ‘major damage’ ang bagyo sa agriculture sector.
“It was more of a beneficial typhoon as it brought rains during the dry planting season,” wika ni Piñol.
Dagdag ni Piñol, ang mga pananim na labis na umaasa sa ulan ay nakinabang sa bagyo, lalo na ang rice farms.
Hinihintay pa ng agriculture chief ang mga report mula sa mga rehiyon na naapektuhan ni ‘Domeng’.
Sinang-ayunan ni Philippine Maize Federation Inc. President Roger V. Navarro si Piñol at sinabing ang malakas na ulan ay isang ‘salvation’ para sa corn farmers sa bansa. JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS
Comments are closed.