FARM TO MARKET ROAD SA ANTIPOLO CITY PINASINAYAAN NG DPWH

RIZAL – BINUKASAN sa publiko ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 600-lineal-meter Farm-to-Market Road ng Sitio San Ysiro, Barangay San Jose, Antipolo City.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng P11.9 milyon at ang perang ginamit sa kons­traksiyon ay galing sa Government Appropriation Act 2024.

Ang proyektong ito ay myroon 6.10 metro ang lapad, 218 metro line canal bilang suporta sa drainage, at ang road structure ay 200 millimeter Portland Cement upang maseguro na tatagl sa mahaabang panahon.

Ang bagong gawang concrete road ay  magpapahusa sa accessibility sa lugar na makapagbebenepisyo sa mga residente roon, negos­yanteng nagbibiyahe ng kalakal, mga mag-aaral dahil magiging mabilis ang transportasyon.

FROILAN MORALLOS