FARMERS BIDA KAY PBBM

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang selebrasyon ng ika-27 taon ng Foodlink/Agrilink/Aqualink Trade Fairs.

Sentro ng mensahe ni PBBM ang pagkilala sa kontribusyon ng agriculture industry sa bansa.

Subalit bida para sa kanya ang mga agriculture workers gaya ng magsasaka, mangingisda, magbababoy, magmamanok at lahat ng nasa food production.

” Let me first of all recognize our farmers, our fisherfolk, our livestock farmers and breeders — the great unsung heroes of our nation,” bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.

Aniya, hindi susulong ang agrikultura kung wala ang agri workers ganoon din ang mga nagpapatakbo o mga namumuno.

“Of course, I would like to thank the organizers and participants of this event. And I thank you for this kind invitation to be with you at this extremely important and momentous day. It is a pleasure to work with you in pushing for holistic approaches that advance this critical industry,” anang Pangulong Marcos.

Sinabi pa ng Pangulo na bayani ang agri workers dahil sila ang nagdadala ng pagkain sa mesa ganundin kung bakit buhay ang merkado.

“Because of them, we have food on our tables; because of them, we have the sustenance we need to pursue our endeavors for the betterment of our nation,” pagkilala ng Punong Ehekutibo sa mga food producer.

Kahanga hanga aniya ang nasa agri industry dahil sa kabila ng mga hamong kinakaharap at banta sa kanilang sektor gaya ng kalamidad, bagyo, tagtuyot at paglindol ay nanatiling kumikilos para sa food production.

Kaya naman sa kanyang administrasyon ay gumagawa ng hakbang para palakasin ang agrikultura at alalayan ang mga manggagawa nito.

Halimbawa ng hakbang na ginagawa ay ang pagsasaayos ng patubig na trabaho ng National Irrigation Authority habang pagpapagana at dagdag ng KADIWA outlets upang may madalhan agad ng mga ani at nabingwit ng mga agri workers.

“We have also expanded irrigation projects, established KADIWA outlets, created food logistics hubs and agri-trading centers as well as organizing and aiding cooperatives and associations for the procurement of reefer vans, freezers, chillers, and other logistical support to help our farmers efficiently transport their products to the consumers,” dagdag pa ng Pangulo.

Sa ilalim ng Marcos administrasyon ay may nakalaan na pagpopondo sa mga magsasaka para sa kanilang kapakanan.

Halimbawa nito ay ang paglalaan ng P1.54 milyon para sa Quick Response Fund para sa 17 milyong magsasaka at mangingisda na apektado ng kalamidad.

“Of course, we also have the Quick Response Fund, which we use to aid our farmers in times of disasters and calamities. So far, the government has released a total of 1.54 billion pesos that benefitted more than 17 million farmers and fisherfolk.’

Pinuri rin ng Pangulo ang organizer ng event dahil malaki ang maitutulong nito sa agri industry.

“Trade events like Agrilink, Foodlink, and Aqualink help us support our farmers and our fisherfolk. We empower them to become catalysts who will contribute to the recovery and inclusive growth of our economy,” ayon sa Pangulo.

Kumpiyansa rin ang Pangulo na sa ganitong pagkakataon ng pagkakaisa, malinaw ang hinaharap at lubusang makakarekober sa ekonomiya ang Pilipinas. EVELYN QUIROZ