FARMERS CONGRESS UMARANGKADA SA ISABELA

MASAYA at mainit ang pagtanggap ng mga mamamayan sa coastal town ng Dinapigue, Isabela sa mga opisyal ng Provincial Government nang dumating doon ang delegas­yon para sa Farmers Congress.

Ang nasabing Farmers Congress ay isinasagawa sa iba’t ibang bayan sa Isabela na naglalayong makatulong at mailapit sa mga Isabelenio ang mga proyekto at programa ng pamahalaang panlalawigan.

Kabilang din dito ang BRO scholarship program, loan assistance sa pamamagitan ng Provincial Dev’t Cooperative Office, serbisyo mula sa Provincial Veterinary Office at iba pang departamento at ahensiya ng pamahalaan.

Lalo na sa mga magulang na may mga anak na nagnanais na maipag­patuloy at makatapos ng kanilang pag-aaral, ang BRO scholarship program ang siyang makatutulong sa kanila.

Sa unang araw ng pagdating sa Dinapigue, Isabela ng mga department heads ng panlalawigang kapitolyo ay isinagawa muna ang tree planting activity, na nagtanim sila ng mga namumungang punong kahoy at mahogany sa tabi ng provincial road.

Ang farmers congress na ginanap taon-taon sa iba’t ibang mga bayan sa buong lalawigan ng Isabela, na pina­ngungunahan nina Governor Faustino “Bojie’’ Dy, III at ni Vice ­Governor Antonio “Tonyfet’’  ­Albano.        RENE GONZALES

 

Comments are closed.