IDINAOS ng Laguna Field Agricultural Extension Services-Office of the Provincial Agriculturist (FAES-OPAg) ang Farmers’ Field School (FFS) on Organic Aquaculture para sa aquaculture operators ng Brgy. Alibungbungan sa Nagcarlan, Laguna.
Ang nasabing FFS ay dinaluhan ng dalawampung (20) aquaculture operators, dalawang Municipal Agriculture Office at FAES-OPAg staff na ang layunin ay pahusayin ang kakayahan at kaalaman ng mga kalahok sa organic production ng tilapia sa pamamagitan ng lecture at hands-on training.
Sa ilalim ng Pambansang Pamantayan ng Pilipinas, “Hinihikayat ng organikong aquaculture ang sistema ng produksyon ng polyculture, itinataguyod ang paggamit ng mga katutubong/endemic species sa ilalim ng malawak at semi-intensive na sistema ng kultura, binabawasan/pinaliit ang mga input ng mga artipisyal na sangkap, ipinagbabawal ang paggamit ng mga genetically modified organisms (GMOs) at isinasaalang-alang ang mga kondisyong ekolohikal na kinakailangan para sa mapanatili ang produksyon ng aquaculture.”
RUBEN FUENTES