FARMERS, FISHERS UMAPELA NG AYUDA

MANGINGISDA-MAGSASAKA

ILANG grupo ng mga magsasaka at mangingisda ang nagtipon-tipon kahapon sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) upang humingi ng tulong makaraan silang salantain ng mga nagdaang bagyo sa bansa.

Sumugod sa tanggapan ng DA sa Quezon City ang mga miyembro ng iba’t ibang magsasaka, mangingisda, at peasant groups pa-ra umapela ng ayuda matapos ang tatlong malalakas na bagyo na puminsala sa kanilang mga kabuhayan.

Partkular silang humingi ng cash aid para makatulong sa kanilang pagbangon matapos na salantain ng mga bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses.

Bukod dito ay nakiusap din sila na alisin na ang taripa at mga excise tax na dagdag pabigat sa kanila at sa taumbayan.

Kinondena rin nila ang pagmimina at illegal logging na pinaniniwalaang dahilan ng sunod-sunod na kalamidad.

“Nananawagan kami, sana huwag ninyong kunin ang mga minerals, at sirain ang kalikasan dahil ‘yan ang dahilan ng sakuna,” sabi ni Fer-nando Hicap, chairperson ng Pamalakaya.

Comments are closed.