NAKAKUHA ng binhi ng palay ang 20 magsasaka mula sa bayan ng Culasi, Antique bilang bahagi ng People’s Day na ginanap sa nabanggit na bayan kamakailan.
Sa isang panayam, sinabi ng Provincial Agriculture chief Nicolasito “Nick” Calawag na ang mga benepisyaryo ng mga binhi ng palay ay ang mga magsasaka na hindi pa nakapagtanim sa unang cropping season dahil sa kakulangan ng binhi ng palay.
“The farmer recipients, we learned, were not yet able to plant palay in their farms although they have already their land preparation because they do not have seeds to plant,” sabi niya.
“We encourage the farmer-beneficiaries to plant the RC 10 variety because it is a short variety that they could harvest after about 110 days,” lahad pa ni Calawag.
Sinabi niya na ang mga binhi ay kinokonsidera na maganda ang kalidad ay kinuha mula sa kanilang buffer stock, na ipinadala ng Department of Agriculture.
Sinabi ni Calawag na ang El Niño phenomenon o ang panahon ng tagtuyot ang nagdala ng pinsala sa mga naunang pananim ng mga magsasaka, na pumigil sa kanila para makapaghanda ng binhi o butil para sa unang paghahasik ng palay na dapat sana ay nagsimula noong Abril o Mayo.
Ang ibang magsasaka sa Antique ay nakapagtanim lamang noong Hunyo.
Nasa 16,030.70 ektarya ng sakahan ay nataniman na ng palay sa bayan ng Sibalom, Patnongon, Hamtic, Tobias Fornier at sa San Remigio.
Ang Antique ay may total na 42,154.34 ektarya ng lupa na taniman ng palay. PNA
Comments are closed.