FARMERS TO MANUFACTURERS LINK PROGRAM INILUNSAD NG DTI, IFAD

DTI-IFAD

INILUNSAD ng Department of Trade and Industry (DTI) at ang International Fund for Agricultural Development (IFAD) ng isang magkaisang programa na mag-uugnay sa mga magsasaka at food manufacturers. Inilunsad kamakailan ang Rural Agro-Industrial Partnership for Inclusive Development (RAPID Growth) program nitong  May 24 sa IFEX Philippines: Next Food Asia sa World Trade Center.

“The RAPID Growth program is close to my heart because it empowers and enables those at the bottom of the pyramid. Increasing rural income and decreasing poverty is one of the main goals of the Duterte administration,” pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez.

May  total na halaga na PHP 4.7 billion, ang RAPID Growth program ay popondohan ng IFAD at ipatutupad ng DTI habang itinataas ang level ng agri-based SMEs para lumikha ng malaking demand sa merkado na mapanatitili para rin sa prodyus ng mga tamang agrikulturang magsasaka.

Dagdag pa ni Lopez, “This is the reason why we say that the RAPID project has a good model since it will all be market-driven, and there will be specific support systems that will upgrade the operations of the SMEs as well as the productivity and yield of farmers.  The program will assist both ends of the value chain: the farmers and the micro, small, and medium enterprises (MSMEs).”

Tinatayang may 1,050 MSMEs at 78,000 magsasaka ng kape, cocoa, niyog, at piling prutas at nuts ang makatatanggap ng training, supplies, at tulong pinansiyal mula sa programa.

Magsisimula ang RAPID Growth sa apat na lugar at magpopokus sa apat na produktong agrikultura: coco coir sa Leyte, kape sa Bukidnon, cacao sa Davao del Norte, at calamansi sa Agusan del Sur. Ang mga napi­ling lugar ay base sa bilang ng MSMEs, production area, at poverty incidence. Ipatutupad ang programa sa 16 pang probinsiya sa anim na rehiyon. (Samar at lahat ng limang rehiyon ng Mindanao).

Sinabi ni IFAD Country Director for the Philippines Alessandro Marini na ang RAPID Growth ay ang kanilang pinakamala­king investment sa Filipinas. Dagdag pa niya na ang poverty incidence sa mga magsasaka ay 34% at para tuluyang maiahon sila sa kahirapan, dapat ay magkaroon ng tuloy-tuloy at pananatili at sama-samang paglago ng agrikultura.

Dagdag pa ni RAPID Program Head and DTI Region 11 Assistant Regional Director Edwin Banquerigo na ang  RAPID ay naglalayon na mag-alaga ng sama-sama at  nananatiling development sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglikha ng isang market-driven approach sa agri-production. Ang partikular na proyekto sa ilalim ng RAPID Growth program ay makapagtatayo ng value chain-based development, dagdag sa produksiyon ng kapasidad ng mga magsasaka, paniniguro ng mga pagbabago  sa agri-financing, pagpapalakas ng ugnayan sa merkado, lumikha ng trabaho at oportunidad sa pagtatrabaho, at itaas ang level at modernisasyon ng MSMEs.

Comments are closed.