TUMAAS ang average farmgate price ng palay sa national level ng 18.1 percent noong Oktubre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa isang report nitong Biyernes, sinabi ng PSA na ang average farmgate price ng palay noong naturang buwan ay nasa P20.60 kada kilo, tumaas mula sa P17.44 kada kilo sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Month-on-month, ang average farmgate price ng palay ay tumaas din ng 3.5 percent mula sa P19.91 kada kilo noong September 2023.
“Among regions, the highest farmgate price of palay during the month was recorded in Region X (Northern Mindanao) at PHP23.56 per kilogram, while the lowest farmgate price of palay was posted in Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at PHP17.36 per kilogram,” ayon pa sa PSA.
Lahat ng rehiyon, maliban sa BARMM, ay nagtala ng positive year-on-year growth rates sa average farmgate prices ng palay noong October 2023.
Batay sa report, ang Northern Mindanao ang nagtala ng pinakamataas na annual increment na 29.2 percent, habang ang annual decrease na 7.3 percent ay naiposte sa BARMM.
Month-on-month, 11 rehiyon ang nagtala ng pagtaas sa average farmgate prices ng palay, habang lima ang nagposte ng pagbaba sa nasabing buwan.
Ang pinakamataas na month-on-month growth rate ay nairehistro sa BARMM sa 30.5 percent, habang ang pinakamalaking pagbaba ay naitala sa Caraga na may month-on-month decline na 3.8 percent.
(PNA)