FARMING AS FAMILY BUSINESS

doc ed bien

Hindi ko akalain na matapos ang mahabang pagpapakadalubhasa sa medisina at paglalayag sa iba’t ibang bansa ay mauuwi rin pala ang ating damdamin sa pagsasaka. Alam naman natin kung gaano ka-stressful ang buhay sa ngayon at trapiko sa Maynila.
Marami sa ating mga kababayan na dating nagsisiksikan sa siyudad ay nagsawa na sa tulog-gising-kain-kayod life cycle sa araw-araw. Dumarating ang panahon sa ating buhay na hinahanap-hanap natin ang kasaganaan ngunit may katahimikan. Isang araw ay nasumpungan ko ang aking sarili na pabalik sa aming probinsiya. Hinanap ko ang minanang lupa.

KAINIS KAMATIS

kamatisTumambad sa atin kailan lang ang nasayang na halos may 10-toneladang hinog na kamatis na itin-apon ng mga magsasaka sa bayan ng Laguna. Hindi kasi binili ng traders na nagku-control sa presyo, dahil sa oversupply raw nito sa pamilihan.
Hindi lang rin daw sa Laguna nanggagaling ang mga kamatis ngayon sa Metro Manila kundi pati na sa malayong lugar gaya ng Mindoro, Pangasinan at Mindanao. Katuwiran diumano ng traders ay marami ngayon ang supply ng ka­matis at tanging ‘yung mga malalaki lamang ang kanilang binibili.
Ano? Magkaiba ba ang lasa nu’n!
Sinubukan ng ilan na isalba ang mga itinapong kamatis at pag-aralan kung puwede itong i-process bilang tomato paste o tomato sauce. Hindi raw uubra dahil ibang variety ito. Ganu’n? May kamatis bang tatanggihan ng isdang pinirito? Palusot n’yo!

KAHALAGAHAN NG PAGTATANIM

FARM“Dad puwede mag-eroplano tayo?” pagsusumamo ng mga anak kong Manileño. “Ang tagal po kasi ng 12 hour drive,” dagdag pa nila.
“O sige sagot ko. Pero sa susunod subukan ninyo ang mag-bus. Pareho lang kasi sa eroplano. Kahit isang oras lang ang lipad, pagdating mo roon ay tanghali na. Samantalang sa bus, pagsakay mo ng alas-sais ng gabi ay dara­ting ka roon ng alas-sais ng umaga. Isang tulog lang!” pagpapaliwanag ko. Sad­yang kuripot ho tayo.
Nakatutuwang ma-appreciate nila na sa lupa ay marami ang pakinabang at ang magsasaka ay dapat iginagalang. Hinimok ko silang pag-aralan ang panahon ng pagtatanim, pag-ani at paghahayupan. Nakita nila na ang palagiang pagkain ng prutas ay may magandang benepisyo sa buong katawan. Halos lahat ng prutas ay pinanggagalingan ng fiber, potassium, vitamins A, B, C, E, folate at mga mineral. Ang nutrients na mula sa prutas ang siyang tumutulong para makaiwas o labanan ang mga sakit, mapababa ang tiyansa ng diabetes, sakit sa puso, stroke, alta presyon at maging cancer.

ALITUNTUNIN NG PRUTAS

FARMAlam naman natin kung paano sumikat at umunlad ang negosyo ng isang uri ng health food supple-ment na hango sa indigenous fruit mula Davao.
Naging tatak na nga ito maging sa mga naglalako ng mangosteen.
Narito ang ilang panuntunan sa pagkain ng prutas:
• Iwasang sabayan ng kahit anong pagkain ang prutas maliban kung parehong prutas din. Kapag kinain ang prutas na kasabay ang ibang uri ng pagkain, ay natatagalan ang pagproseso nito at nabubulok (fer-mented) pagdating sa bituka.
• Ang pinakamagandang oras sa pagkain ng prutas ay sa umaga habang wala pang laman ang tiyan. Maaaring pagsabay-sabayin o paghalo-haluin ang mga prutas saka kainin.
• Pagkatapos kumain ng prutas at nais na muling kumain ng panibagong pagkain, makabubuti na maghintay muna ng 1-2 oras bago muling kumain.
• Kapag kumain ng kanin, pasta o karne na sinasabing mabigat sa tiyan, mainam na maghintay ng ma-haba-habang oras bago sundan ng pagkain ng prutas.
Hayaang matunaw muna ng maigi ang mga pagkain sa bituka sa loob ng 3-4 na oras.
• Kung hindi naman mabigat ang kinain, halimbawa ay purong gulay o vegetable salad, maghintay lamang ng 1-2 oras na matunaw ito sa tiyan bago sundan ng prutas.
• Kapag nauna naman ang prutas kainin, maghintay muna ng 1 oras, at maaari nang kumain ng kasunod na meal.
• Iwasan ang pagkain ng prutas sa gabi kung kaila­ngan na makatulog kaagad.
Ang prutas ay nagtatag­lay ng sugars na maaaring makapagpagising sa iyong diwa.
*Quotes
“Agriculture is our wisest pursuit, because it will in the end, contribute most to real wealth, good mor-als, and happiness.”
– Thomas Jefferson, former US President

oOo

Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB o mag-text sa (0999) 414 5144 o bisitahin ang ­aming Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!

Comments are closed.