ANG dating Award-Winning School Project ay isa na ngayong kumikitang Fashion Business na gumagawa ng Trendy Bags mula sa bao ng niyog na hinahangaan ng lahat.
Sa dinami-rami ng mga pwedeng gawing damit at bags, heto ngayon at ginamit ng 18-year old girl na si Raphaella Mae Sanchez ang bao ng niyog at naging hit ito sa mercado.
Estudyante si Yaelle ng Marketing Management & Behavioral Sciences Major in Organizational and Social Systems Development sa De La Salle University Manila at Human Resources Executive Vice President din ng Terra.
Ipinagmamalaki niyang siya ang boss dahil para sa kanya, isa siyang self-inspired na negosyante na may lakas ng loob na sumugal. May tiwala siya sa kanyang sarili.
Nagsimula ang Terra bilang school project nang minsang mag-[romote sa kanilang iskwelahan ang JA Philippines, isang non-governmental organization na nagsusulong ng pagnenegosyo sa mga kabataan. Siya at ang kanyang mga kabarkada ay lumaban sa kumpetisyon, at ang grupo nila ay isa sa dalawang napiling lumaban at mag-represent sa Pilipinas sa JA Asia Pacific Competition. Nakakuha naman sila ng dalawang major awards: First Place in Company of the Year Award at FedEx Award.
Ngayon, kilala na ang kanilang brand bilang eco-friendly bag label na gawa sa bao at bunot ng niyog. Napansin kasi ni Yaelle at ng kanyang mga kaibigang itinatapon lamang ang mga bao ng niyog sa palengke. Naisip nilang isa itong magandang pagkakataon upang makapagnegosyo na kaunti lamang ang puhunan, at makatutulong pa sila sa kalikasan.
Si Yaelle ang naging Human Resources Executive Vice President ng Terra, kaya siya ang pumipili ng mga trabahador. Aniya, mahirap mag-managr ng mga taong iba-iba ang [ersonalidad ngunit natutuhan niyang gamitin sa ikabubuti ng lahat ang uniqueness ng bawat isa. Mas mahalaga raw sa kanyang maabot ang kanilang goal kaya kung anuman ang weakness nila ay nagiging strength basta duiligent silang magtrabaho.
Ipagpapatuloy raw nila ang negosyong ito hanggang tinatangkilik ng mamimili, at gagawa rin sila ng paraan upang mas mapagbuti pa ang kalidad ng kanilang produkto.
Kung bakit nakasali si Yaelle sa ating line-up ng starpreneur? Kasi, star na siya ngayon in her own selfless way. Mula sa mahiyang kabataan, naging isang matagumpay na negosyante siya na walang tinatapakang iba.