FASHION STATEMENT NI JINKEE SA MGA LABAN NI HUBBY

jinkee

KUNG sikat si Manny Pacquiao sa boxing, sikat naman ang asawa niyang si Jinkee sa mga damit na isinusuot niya bawat laban ng Pambansang Kamao. Sa lahat ng laban ni Pacman, agaw pansin ang kanyang fashion statement. Si Jinkee na simpleng putting bestida lamang ang soot nang ikasal ay isa na ngayong bonafide fashionista. Kitang kita ang kanyang style transformation mula noong 2015.

PACQUIAO-UGAS MATCH

Sa Pacquiao-Ugas match, ang “Pink all over” attire ni Jinkee ay nagkakahalaga ng P2.2 million. Ang youthful all-pink OOTD, na isnoot ni-ya sa laban ni Manny kay Cuban Yordenis Ugás noong August 21, 2021 ay talaga namang nakakalula ang halaga. Nasa tabi niya si Jinkee soot ang blush-pink summer dress mula sa Zimmermann, isang pares ng Cinderella-inspired heels mula sa Amina Muaddi, pink mini Lady Dior bag, at mga alahas mula sa Tiffany and Co. at Van Cleef and Arpels.

PACQUIAO-THURMAN MATCH

Noong July 2019, nang makipaglaban si Manny kay Keith Thurman sa Nevada, isinuot ni Jinkee ang isang dramatic Egyptian inspired multi-colored dress na bi-nili ng kanyang personal shopper na si Aimee Hashim sa isang Chanel boutique sa Japan. Nagkakahalaga ito ng PHP155,000.

 PACQUIAO-BRONER MATCH

Sa laban naman ni Pacquiao laban kay Adriene Bro­ner noong January 2019 sa Nevada, isang simpleng ivory Valentino dress ang isinoot ni Jinkee, pero hindi simple ang presyo nitong US$5,170 or around PHP272,500 noong panahong iyon. Tinernuhan niya ito ng mini Hermes Kelly II bag at Fendi nude platform sandals. Ang mini Hermes Kelly II bag ay nagkakahalaga ng  $15,000 o PHP750,000. Ang Fendi heelsnaman ay EUR790 o PHP47,000.

 PACQUIAO-MATTHYSSE MATCH

Favorite color yaata ni Jinkee ang pink. Pinili niya ang kulay na ito nang lumaban si Manny kay Lucas Matthysse noong July 2018. Ang pink Stella McCartney suit ay nagkakahalaga ng PHP51,000. Ang highlight ng kanyang OOTD ay ang puting satin Lady Dior bag na may nakaukit na multicolored flower. Ang price tag ng bag ay USD3,100 o PHP155,000.

 PACQUIAO-HORN MATCH

Talo si Pacman sa laban niya kay Jeff Horn noong July 2017 pero panalo si Jinkee sa kanyang outfit during the fight na bold purple crepe top and trousers, na tin-ernuhan ng Hermes Medor clutch at Christian Louboutin studded platform wedges. Ang bag ay PHP381,000.

 PACQUIAO-VARGAS MATCH

Noong November 2016, putting puti ang suot ni Jinkee sa laban ni Manny kay Jessie Vargas. Ang lace-detailed white tulle shirt na suot niya sa kanyang white suit ay Dolce & Gabbana. Christian Louboutin Goldcross naman ang kanyang sapatos at Hermes Kelly Pochette naman ang kanyang bag. Huwag na nating isama ang damit – lahat ng nabanggit na items ay nagkakahalaga ng higit PHP350,000.

 PACQUIAO-BRADLEY MATCH

Flower power naman ang peg ni Jinkee noong April 9, 2016 sa laban ni Manny kay Timothy Bradley. Suot niya ang rose-embroidered tulle dress ng Dolce & Gabbana, na nagkakahalaga ng $4,183 o PHP210,000. Isinuot niya rin ito sa isang photo-shoot noong December 2017.

 PACQUIAO-MAYWEATHER MATCH

Talo uli si Manny sa laban niya kay Floyd Mayweather Jr noong May 2015 pero marami ang na-in love kay Jinkee at sa suot niyang Valentino from head to toe. Short-sleeve flared dress na mula sa Valentino’s L’Amour Fall 2015 capsule collection ang kanyang damit, na tinernuhan ng Rockstud sandals at Rockstud Bangle Clutch. Lahat-lahat, PHP525,000 ang presyo.

Kahit yung putal lamang ng presyo ng soot ni Jinkee ay hindi ko na inaambisyong maisuot, liban na lang kung ipakokopya ko sa kustorera. Diyos ko, sayang ang pera! KAYE NEBRE MARTIN

7 thoughts on “FASHION STATEMENT NI JINKEE SA MGA LABAN NI HUBBY”

  1. 589283 809732Most reliable human being messages, nicely toasts. are already provided gradually during the entire wedding celebration and therefore are anticipated to be extremely laid back, humorous and as effectively as new all at once. finest man speech 993079

  2. 394872 42709I always go to your weblog and retrieve everything you post here but I never commented but today when I saw this post, I couldnt stop myself from commenting here. Fantastic article mate! 492642

  3. 782002 384355Howdy! I just wish to give a huge thumbs up for the great information you may have here on this post. I will probably be coming back to your weblog for much more soon. 327917

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *