(FASHION AND LIFESTYLE / ni CT SARIGUMBA)
NGAYONG panahong lumalaganap at kinatatakutan ang mahawa ng sakit na Coronavirus disease 2019 o COVID-19, paano nga ba tayo pipili ng damit o outfit na ating susuotin? Ano-ano nga ba ang dapat nating suotin nang maiwasang mahawa ng kuma-kalat na sakit?
Sa pagpapalit nga naman ng panahon, may mga damit o outfit na swak suotin. At sa ganitong panahon naman na laga-nap ang COVID-19, importante rin ang pagiging maingat. Mahalaga ring napag-iisipan natin kung anong klase o uri ng damit o outfit ang ating susuotin lalo na kung araw-araw tayong lumalabas ng bahay para magtrabaho.
Hindi nga naman natin natitiyak kung sino-sino ang makakasalamuha o makakasabay natin sa pagko-commute sa ar-aw-araw. Hindi rin natin alam kung isa ba sa mga ito ay may sintomas na ng sakit.
Kaya kung araw-araw kang lumalabas ng bahay para gampanan ang mga nakaatang sa iyong gawain, narito ang ilang fashion tips o outfit na puwe-deng suotin ngayong panahon ng COVID-19:
LONG SLEEVES O JACKET
Makatutulong ang pagsusuot ng long sleeves, jacket o damit na may mahahabang manggas upang maiwasang madikitan ang balat ng mga virus o dumi mula sa paligid o sa mga kasabayang commuter.
Marami rin namang mga jacket o long sleeves na puwedeng subukan na komportable at hindi mainit sa katawan.
Pagkauwi rin ng bahay, hubarin kaagad ang isinuot na damit at ilagay ito sa labahan. Huwag nang isuot pang muli o ulitin ang damit nang hindi pa nalalabhan.
Pinakamainam na pamatay sa virus ay ang paggamit ng sabon at bleach kaya’t sa paglalaba ng damit, gumamit ng mga nabanggit.
LAGING MAGSUOT NG MASK
Importante rin ang pagsusuot ng mask nang hindi mahawa o makahawa kung sakaling may iniindang karamdaman–malala man o hindi. Sa ngayon, isa nga naman sa mapapansin natin ang paggamit ng mask. Iba’t ibang klase rin ng mask ang nagsisipaglabasan lalo pa’t tila nagkakaubusan na ng mga disposable face mask.
Siguraduhin ding tama ang pagsusuot ng face mask.
Kung gagamit din ng mga disposable face mask, itapon kaagad ang mga ito matapos gamitin. Para rin matiyak na hindi na magagamit pa ng iba, i-cut o sirain ang disposable mask na ginamit.
Sa mga gumagamit naman ng washable mask o cloth mask, pagkatapos gamitin ay labhan kaagad. Sa paglalaba, hindi lamang sabon ang dapat gami-tin. Gumamit din ng bleach at kapag natuyo na, plantsahin na ito.
Huwag ding mag-uulit sa paggamit ng mask kahit pa sabihing washable iyan o cloth mask. Kada isang gamit ay labhan kaagad.
GUMAMIT NG GLOVES
Isa rin sa dapat nating ingatan ay ang ating mga kamay. Dapat ay siguraduhin nating malinis ang mga ito sa kahit na anong oras at kahit pa nasaan tayo.
At dahil nga isa ang kamay sa madalas o madaling kapitan ng dumi, bukod sa paggamit ng alcohol o alcohol-based sani-tizer, maaari ring option ang pagsusuot ng gloves.
Kung madalas nga naman kasi tayong mag-commute, hindi natin maiiwasan ang mapahawak sa kahit saan o sa mga bagay na hinahawakan ng mara-mi.
Kaya’t para makatiyak, maaaring magsuot ng gloves. Piliin lang din ang gloves na komportableng gamitin at hindi mainit sa kamay.
Sa ngayon naman ay napakarami na ring gloves ang puwedeng pagpilian. May iba’t ibang kulay rin at may mga disenyo.
Pagkatapos ding gamitin ng gloves ay labhan kaagad ito gamit ang sabon at bleach. Plantsahin din kapag natuyo na.
SOMBRERO O HATS
Hindi lamang din pangontra sa init ang sombrero o hats, swak din itong gamitin ngayong lumalaganap ang COVID-19. Sa pamamagitan nga naman ng pagsusuot ng sombrero ay maiiwasang mapunta sa buhok ang virus.
Mainam din kung tatalian ang buhok at hindi hahayaang nakalugay.
GUMAMIT NG SCARF
Kung ikaw naman ang tipo ng taong hindi mahilig sa sombrero, swak naman sa iyo ang scarf.
Puwedeng-puwede rin naman kasing gamiting pambalot ng ulo maging ng leeg ang scarf. Napakaraming klase ng scarf ang puwedeng pagpilian sa merkado, may iba’t ibang kulay rin ito at laki. May mga plain din at may design.
Marami ring paraan sa pagsusuot ng head scarf nang maging fashionista.
Sa internet lang ay napakarami mong makikita o mababasang ideya.
Ilan sa simpleng paraan ng paggamit o pagsusuot ng head scarf ay ang low knot, the crown, turban at ang top knot.
Pagkagamit din sa scarf, labhan din kaagad nang matanggal ang dumi at virus na kumapit.
Kung minsan, lalo na sa pampublikong sasakyan, kapag may bumahing o kaya naman ay umubo, napalalayo ang mga katabi nito.
Napatitingin din nang makahulugan. Hindi naman sa nagiging praning ang marami sa atin.
Kumbaga, nag-iingat lang tayo. Mahirap nga namang mahawa ng sakit.
Kung may sakit, mas mabuting manatili na lang sa kanya-kanyang tahanan.
Itinuturing na nga namang pandemic ang COVID-19.
Kaya naman, napakahalagang nag-iingat tayo. (photo credits: Google)
Comments are closed.