FAST MOLTER

SABONG NGAYON

PALAGING mabilis matapos ang pagpapalit ng balahibo ng mga pullet o inahin kaysa mga tandang.

“Kung napaglabanan na ang anak/proven hen 4 years old up ay dapat cross mo sya palagi sa broodstag 7-8 months old up para maiwasan ang fertility issues/mahina ang semilya at nandon pa rin ‘yung magandang sukat ng magiging anak,” ani Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Palaging ikaw ang masusunod kung sino ang ipagpapares mo kasi ikaw ang breeder kaya kahit sino pa ang tanungin mo sa huli ikaw pa rin ang magdesisyon kasi ikaw ang kasama ng manok,” aniya.

Ayon pa kay Doc Marvin, dapat tayong mag-set ng standard o pamantayan sa pagpili ng mga breeding materials na ating gagamitin.

“Kung hindi mo alam ang gagawin ay dapat alamin mo kasi lahat ng bagay ay napapag-aralan! Sadyang ganoon ang breeding palaging tataya ka kaya dapat wala o iisa lang ang kapintasan ng gagawing materyales. Ang tumataya lamang ang may pag-asa na tumama!” sabi pa niya.

“In terms of quality ng magiging anak ang pag-uusapan ay palaging mas quality mag-anak ang hen o pullet na katatapos lang lumugon,” dagdag pa nya.

Sa pagpili ng gagawing materyales at panlaban ay iisa lamang at ang lahat ay depende sa iyong naka-set na pamantayan.

“Kung pasado na sa iyo ang kanyang panlabas na katangian na nakikita ng ating mga mata ay titingnan palagi ang buntot na dapat ay naka-align sa ulo at ‘yung tindig ‘yung binti dapat onse ang puwesto para kapag pumalo ay malamang pasok ang patama sa kanyang kalaban,” ani Doc Marvin.

“Para makita mo talaga ang kanyang balanse ay doon ka pupuwesto sa medyo likod niya at saka mo simpatin. Kung saan pamamaraan na doon ka nanalo ay ituloy lamang huwag na baguhin at tayo po ay may kanya-kanyang pamamaraan sa pagpili, kaya kung anuman meron ang bawat isa sa atin, ‘yon po ay aking nirerespeto,” dagdag pa niya.

Aniya, madali lamang humanap ng super galing na manok pero hinding-hindi tayo makakakita ng siguradong mananalo. May tari rin ang kalaban, ika nga.

Kung ang gagamitin sa pagpapalahi ay inahin 4 years old pataas, kalimitan po ang tendency ng magiging anak ay mabawasan ang height at dami ng magiging anak.

“Para maiwasan po ang ganito ay dapat ang ipapares mo na ganador ay stag 8-11 months old na high station para po nasa kalakasan ang quality ng semilya at maiwasan ang fertility issues!” ani Doc Marvin.

“In terms of quality ng magiging anak ang pag-uusapan,  para sa akin ay daig ng hen ang pullet,” dagdag pa niya.

105 thoughts on “FAST MOLTER”

  1. 903986 729466Thank you a lot for sharing this with all men and women you actually recognize what you are speaking about! Bookmarked. Please moreover speak more than with my web website =). We could have a hyperlink alternate arrangement among us! 225453

  2. 122610 170683There a couple of fascinating points in time in this post but I dont know if I see these center to heart. There may possibly be some validity but Ill take hold opinion until I explore it further. Outstanding post , thanks and then we want a great deal more! Put into FeedBurner too 210774

Comments are closed.