Kauna-unahang ‘dual-lane’ drive
INANUNSIYO ng isang fastfood chain kamakailan na sila ay nagbukas ng ika-1,200 na tindahan ng Jollibee sa bansa sa isang lugar sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) kamakailan na may kauna-unahang dual-lane drive thru sa bansa.
Ang bagong tindahan ay nasa Petron gas station sa kahabaan ng southbound side ng SLEX na may dual-lane drive thru na magbibigay daan sa mga crew na makapagsilbi ng mas mabilis sa mas maraming motorista.
“This new Level Up Joy store promises to take customer convenience to the next level with the introduction of the first-ever du-al-lane drive thru in the country,” pahayag ni Jollibee Global Brand CMO, JFC Philippines Country Business Group and concurrent Jollibee Philippines Marketing head Francis Flores.
Ang pinakahuling “Level Up Joy” na tindahan ay naghahandog ng modernong inobasyon tulad ng automated food conveyor system na nagdadala ng mga pagkain mula sa kusina hanggang pick-up counters.
Ang bagong tindahan ay mayroon ding self-order kiosks na may multiple payment options para sa flexibility, kasama ang credit cards, PayMaya, Happy Plus Card o kahit cash.
May mga mesa na may wireless charging pads para sa mga customer na gustong mag-power up ng kanilang gadgets.
Isang drive-thru-lane sensor system, naman ang magbibigay ng real-time drive thru performance data. Mayroon nang halos 200 tindahan ng Jollibee sa buong bansa na may ganitong sistema.
“The Level Up Store is the start of a new era for Jollibee,” sabi pa ni Jollibee Philippines president JJ Alano.
Comments are closed.