FATALITIES SA 6.9 MAGNITUDE QUAKE LUMOLOBO

lindol

DAVAO DEL SUR- PITO na ang nasawi kasunod nang naganap na malakas na magnitude 6.9 na lindol sa Daval del Sur.

Karamihan sa mga nasawi ay pawang mula sa bayan ng Padada na sentro ng lindol.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, may mga nasawi rin mula sa Matanao at Hagonoy, Davao Del Sur.

Sa Matanao, inatake sa puso ang isang 81-anyos na lola at ang isang 6 na taong gulang na batang babae na nabagsakan ng debri mula sa gumuhong pader.

Ayon kay Timbal nagiging pahirapan ang search and retrival operation at kinaila­ngan pansamantalang suspendihin ang retrieval operations sa gumuhong grocery store na sinasabing may lima hanggang pitong na-trap sa gumuhong gusali.

Inaalam pa rin ayon kay Timbal, kung ilan ang bilang ng nasa loob ng grocery store nang mangyari ang pagya­nig.        VERLIN RUIZ

Comments are closed.