BINALAAN ng Food and Drug Administration (FDA) kamakailan ang publiko laban sa pagbili ng El Shaddai healing ointments, na hindi naman na-test at hindi rehistrado.
Sa isang abiso, sinabi ng FDA na ang produktong El Shaddai Menthol Healing Oil at El Shaddai Sampaguita Olive Oil ay hindi pa naiisyuhan ng Certificate of Product Registration.
“Thus, the Agency cannot guarantee their quality and safety. The consumption of such violative products may pose potential danger or injury if administered,” sabi ng FDA.
“The public is advised not to purchase the aforementioned violative products and to be vigilant against it,” dagdag pa nila.
Nang tanungin ang Catholic charismatic group na El Shaddai kung ang produkto ay konektado sa kanila, hindi pa sila nakakukuha ng sagot.
Base sa Food and Drug Administration Act of 2009, ang paggawa, importasyon, eksportasyon, pagbebenta, pag-aalok para magbenta, pamamahagi, promosyon, pag-advertise o sponsorhip ng health products na walang tamang awtorisasyon mula sa FDA ay mahigpit na ipinagbabawal.
Pinayuhan din ng FDA ang mga establisimiyento o mga nilalang na huwag mamahagi ng El Shaddai Menthol Healing Oil at El Shaddai Sampaguita Olive Oil hanggang hindi sila nakakukuha ng permit.
Ang mga lalabag ay parurusahan, pagbabala ng FDA.
Hiningi rin nito sa mga gobyernong lokal at law enforcement agencies “to ensure that these products are not sold or made available in their localities or areas of jurisdiction.”
Comments are closed.