FDA BINIGYAN NG POWER NI DUTERTE (Na mag-isyu ng Emergency Use Authorization) 

BFAD-FDA

BINIGYAN ng kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Food and Drug Administration (FDA) na mag-isyu ng Emergency Use Authorization (EUA) para sa pagbili ng COVID-19 vaccines na bibilhin ng Filipinas.

Ito ay sa bisa ng pinalabas na Executive Order No. 121 na nilagdaan ng Pangulong nitong Disyembre 1.

At dahil binigyan na ng awtorisasyon, mapapaiksi na ang proseso sa pag-apruba sa bakuna mula sa anim na buwan ay magiging 21 araw na lamang.

“The President also authorized the FDA director-general to “accept the regulatory decision of the [World Health Organization], [US Centers for Disease Control and Prevention], or other internationally recognized regulatory authorities,” nakapaloob sa EO.

Ayon pa sa kautusan mahalaga na masunod ang mga kondisyon gaya ng totality of evidence available, kasama na ang trials at effectivity nito.

Nakapaloob pa sa EO na ang FDA ay naatasan ding bumuo ng panel of experts sa drugs at vaccine development na magrerebisa sa mga datos partikular sa safety at effectiveness ng bakuna kontra COVID-19 na inaaplayan ng EUA.

Ang naturang panel ang siyang magsusumite  sa FDA ng kanilang report at rekomendasyon kaugnay sa aplikasyon ng EUA.

Ang nabanggit na EUA ay balido lamang sa panahon ng deklaradong public health emergency bunsod ng COVID-19.

“The FDA together with the other concerned offices of the DOH shall conduct post-authorization monitoring to track product deployment, additional relevant information and the status from the manufacturer full-product life-cycle” sabi pa sa EO. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.