PINAG-IINGAT ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili ng isang brand ng slimming coffee.
Ayon sa FDA, bukod sa brand na Active White Slimming Coffee, hindi rin rehistrado ang Fruccy’s Ginger Tea, Garden Secret 16 in 1 Turmeric Powder, Nu-Beta Growing Factor at High Nature Super Food, base na rin sa isinagawang post market surveil-lance ng FDA.
Dahil dito, bawal ang pag-manufacture, importation, exportation, sale, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, ad-vertising o sponsorship ng mga nasabing produkto.
Binigyang diin ng FDA na hindi tiyak ang kalidad at kaligtasan ng mga naturang produkto kaya’t maaaring makasama ito sa kalusugan.
Comments are closed.