FDA MULING NAGBABALA SA  ‘FAKE NOCHE BUENA PRODUCTS’

PDA-1

MULING nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga mamimili na maging mapanuri sa bibilhing noche buena items.

Kasunod ito ng pagkakum­piska ng higit P120,000 halaga ng mga expired na produkto sa Quinta Market sa Maynila.

Ayon sa FDA, tatlong tindahan ang nakuhanan ng mga expired na noche buena items na binibenta lamang sa murang halaga.

Maaring magdulot ng diarrhea, pagsusuka at food poisoning ang mga taong makakakain ng expired na pagkain.

Comments are closed.