FDA NAGBABALA LABAN SA 12 ‘DI REHISTRADONG FOOD SUPPLEMENTS

FOOD SUPPLEMENTS

NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) kamakailan sa publiko laban sa pagbili at pagkain o pag-inom ng 12 hindi rehistradong  food supplements.

Posibleng makaa­pekto sa kalusugan ng konsyumer ang natu­rang food supplements, ayon sa FDA, pero hindi naman nila pinalawig ang isyu maliban na nagbigay sila ng order para sa kanilang regional offices at enforcement units para masiguro na ang mga produkto ay hindi na maibebenta sa merkado.

Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng FDA Philippines na ang mga food supplements na ito ay hindi awtorisado ng gobyerno at hindi suportado ng certificates of product registration: NOW® Phosphatidyl Serine 100mg Cognitive Health with Gingko Biloba Extract Dietary Supplement Softgels (50 Softgels x bottle); LIFEEXTENTION® Rhodiola Extract3% Rosavins 250mg Dietary Supplement Capsules (60 vegetarian capsules x bottle); Diara Pito-Pito Herbal Food Supplement 100% Pure Herbal Li­quid (375ml per Bottle); Teatox Life 100% All Natural Kidney and Bladder Cleanse Tea Loose Leaf Herbal Blend; Teatox Life 100% All Natural Milk Thistle Powder for Liver Cleanse and Detox Herbal Supplement; Success 200 Herbal Food Supplement Serpentina Andrographis Paniculata Capsules; Success 200 Guyabano Fruit Extracts,60 Capsules; Prevailmax™ Cellular Homeostasis Formula Fucoidan (Prevent Cancer, Anti-Tumor, Anti-Inflammatory Booster); Sozo Keto Boost BHB Ketones Advanced Weight Loss Dietary Supplement 60 capsules (100mg); HM Long Jack Tongkat Ali 60 capsules (500mg); Gluta Primme Authentic Dietary Supplement Product (30 capsules).

“Since these unregistered food supplements have not gone through evaluation process of the FDA, the agency cannot assure their quality and safety. The use of such violative products may pose health risks to consumers,”  pahayag ng FDA sa kanilang paalala sa publiko na dapat itsek ng mabuti ang produkto bago nila ito inumin o kainin at tingnan kung ang produkto na kinokonsumo nila ay FDA-registered.

Nagbabala rin ang FDA sa lahat ng mga  establisimiyento na huwag mamahagi ng 12 produkto hanggat hindi sila naiisyuhan ng tamang awtorisas­yon.

Nagbigay ng order ang FDA sa kanilang regional offices at regulatory enforcement units na siguruhin na ang mga food supplements na ito ay hindi maibebenta sa merkado.

Comments are closed.