NAG-ISYU ang Food and Drugs Administration (FDA) ng health warning laban sa isang food supplement na gawa mula sa plasenta o inunan ng usa, matapos matuklasan na mayroon itong hindi aprubado at ‘misleading’ na patalastas at promosyon sa iba’t ibang websites sa internet.
Sa inisyung Advisory No. 2018-192, sinabi ng FDA na hindi aprubado at may misleading advertisements at promosyon ang produktong Purtier Deer Placenta Plus Food Supplement upang maibenta ang kanilang produkto.
“The public is hereby warned that the aforementioned claims were not duly approved by the FDA. Food products including food supplements should not bear any misleading, deceptive and false claims in their labels and/or any promotional materials that will provide erroneous impression on products’ character or identity,” babala pa ng FDA.
Nauna rito, na-monitor ng FDA sa mga websites ang ilang advertisement at promosyon ng Purtier Placenta na nagsasabing nagbibigay ito ng “ultimate care” sa kalusugan at nakapagpapabata pa.
Kabilang umano sa mga sangkap ng naturang food supplement ay ‘deer placenta,’ dendrobium, avocado oil, aloe vera, marine collagen, evening primrose oil, borage oil, xanthone, lycopene oil, at souslene.
“Protect, repair, and renew your body! Reversing the Aging Process,” isa lang ito sa mga promosyong ginagamit ng Purtier Placenta sa pagpo-promote ng kanilang produkto, na napuna ng FDA. Gayunman, hindi umano ito aprubado ng FDA.
“The public is hereby warned that the aforementioned claims were not duly approved by the FDA,” bahagi ng FDA advisory. “Food products including food supplements should not bear any misleading, deceptive and false claims in their labels and/or promotional materials that will provide erroneous impression on the products’ character or identity.”
“Purtier Deer Placenta is a registered food supplement with NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIMS. The FDA is reiterating that food supplements shall not, in any way, prevent and cure any disease conditions,” dagdag pa ng FDA.
Sinabi pa ng ahensya, na ang sinumang may mga katanungan o karagdagan pang impormasyon na nais na malaman ay maaaring magtanong sa kanilang tanggapan sa email na [email protected], o di kaya’y sa kanilang online reporting facility na eReport, sa www.fda.gov.ph/ereport [email protected] o di kaya’y tumawag sa Center for Food Regulation and Research (CFRR) hotline na (02) 857-1900 na may lokal na 8112 o 8115. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.