FDA NAGBABALA LABAN SA MGA HINDI REHISTRADONG CEREAL

CEREAL

PINAG-IINGAT ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili at pagkonsumo ng ilang cereal products na hindi rehistrado.

Kabilang na riyan ang General Mills Cocoa Puffs Naturally Flavored Frosted Corn Puffs, General Mills Golden Grahams Cereal, at General Mills Cheerios Chocolate Flavored Whole Grain Oat Cereal.

Batay sa pagbabantay ng FDA, hindi sumailalim sa pagrere­histro ang naturang mga produkto at wala ring tamang awtorisasyon.

Dahil dito, hindi tiyak ang kalidad ng mga produkto at maaari pang makasama sa kalusugan.

Pinaalalahanan din ng FDA ang mga negos­yante na maaari rin silang mapatawan ng parusa kapag nahuling nagbebenta ng mga hindi rehistradong produkto.

Nanawagan din ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan na tiyaking hindi maibebenta sa kanilang lugar ang natu­rang mga produkto.