NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) kamakailan sa publiko laban sa pekeng Rabipur PCEC rabies vaccine na gamit para sa tao na umiikot sa merkado dahil ito ay maaring “potensiyal na sakuna o delikado sa konsyumer.”
Ayon sa FDA, ang antigong produkto ay maaaring makilala laban sa pekeng bersiyon sa pamamagitan nang maingat na inspeksiyon sa packaging nito.
Ang label sa original Rabipur PCEC rabies vaccine ay may mas darker shade ng gray o abo at bold font ang format. Ang QR code ay nakasulat sa lighter ink.
Ang label ng sterile syringe at karayom ay dapat may naka-print na “E-Mail:[email protected].”
Sinabi ng FDA na ang mga sumusunod na batch numbers ay peke o hindi totoo: Batch no. 3503; at Batch no. 3479.
Nagpaalala ang awtoridad sa mga konsyumer, distributors at retailers na bumili ng drug products sa FDA-licensed establishments.
Bukod dito, nagbabala ang FDA na ang pagbebenta o paglalabas ng pekeng drug products ay may parusa at paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009 and Special Law on Counterfeit Drugs.
Comments are closed.